Rate this site!
10.21.2004
Blog Ko 'To!


Simula nang mag-simula akong mag-blog e nakasanayan ko nang isulat muna sa notebook ang mga dumadampi sa utak ko bago ko ito i-post. (Para sa mga hindi nakaka-alam, ang Blog o Web Log ay parang isang online na journal kung saan maari mong isulat ang kahit na anong gusto mo, maging mga opinyon sa politika o mga pang-araw araw na kaganapan sa buhay mo.)Kaya bigla kong naisip, bat di natin kilatisin ang hiwaga na dulot ng blog.

Bakit ba ako nawili dito sa blog na to? Ano bang napapala ko sa kakasulat dito na bilang mo lang kung sino ang nakakabasa ng mga artikulo ko? Hindi lang ako, madami din akong kakilala na na-adik na rin ng tuluyan sa pag-blog. Kapag nagkikita-kita, asahan mong may babanggit ng ganito, "Chong nabasa mo na ba yung bago kong blog?" o di kaya'y ganito, "Basahin mo ung blog ni ___ ang ganda grabe."
Matagal na sa mundo ng internet ang mga blog sites, pero ngayon ko lang talaga na-appreciate ang silbi nito. Sa aking nararanasan ngayon, ang pangunahing dahilan kung bakit ako nagtyatyagang mag-sulat ng mag-sulat ay para iparinig sa ibang tao kung ano ang nararamdaman ko. Para ipakita kung sino talaga ako o mag-bigay ng opinyong tungkol sa mga bagay bagay, tulad nitong article na ito. Ang mga blogsites ay simbolo ng kalayaan. Malaya kang ipahiwatig ang lahat ng saloobin mo sa buong mundo. Ang lahat ng nararamdaman mo ukol sa isang bagay na gusto mong ipahiwatig tulad ng, galit sa gobyerno, inis sa teacher, pagkatuwa sa birthday o kaba sa grades. Walang censors, un-edited at talagang original ang lahat ng mga entry ng bawat tao sa kani-kanilang mga blog sites at meron ding mga magagandang literary works na galing sa mga libro na nais i-share ng blogger.

Sobrang OK talaga itong pag-bablog, isang mahusay na paraan upang pumatay ng oras na sigurado kang hindi naman sayang dahil gumagana ang utak mo. Umaandar din ang iyong imahinasyon at creativity. Siguro, wala nang tatalo dito... at kung meron mang hindi sumasang-ayon, i-blog mo na lang chong.



Makinig Ka Sana


Gusto ko lang i-share ang isang tula na galing sa Chicken Soup For The Teenage Soul.

Please Listen - Anonymous


When I ask you to listen to me
and you start giving me advice,
you have not done what I asked.



When I ask you to listen to me
and you begin to tell me why
I shouldn't feel that way,
you are trampling on my feelings



When I ask you to listen to me
and you feel you have to do something
to solve my problem,
you have failed me,
strange as that may seem.



Listen! All I ask is that you listen.



Don't talk or do - just hear me.
Advice is cheap; 20 cents will get
you both Dear Abby and Billy Graham
in the same newspaper.



And i can do for myself; I am not helpless.
Maybe discouraged and faltering,
but not helpless.


When you do something for me that I can
and need to do for myself,
you contribute to my fear and
inadequacy.



But when you accept as a simple fact
that I feel what I feel,
no matter how irrational,
then I can stop trying to convince
you and get about this business
of understanding what's behind
this irrational feeling.



And when that's clear, the answers are
obvious and I dont need advice.



Irrational feelings make sense when
we understand what's behind them.



Perhaps that's why prayer works, sometimes,
for some people - because God is mute,
and He doesn't give advice or try
to fix things.



God just listens and lets you work
it out for yourself.



So please listen, and hear me.



And if you want to talk, wait a minute
for your turn - and I will listen to you.




10.20.2004
CTC (Chat Tayo Chong)


Masyado na daw akong adik sa chat sabi ng nanay ko. Lalo na noon, inaabutan pa ako ng sikat ng araw at minsan di na natutulog dahil sa pag-chat. Kaya naisip ko, bat nga ba ang dami-daming nahuhumaling sa ganitong klase ng komunikasyon? Nag-aaksaya ng pagod, pera, at panahon sa kaka-type ng mga wirdong acronym tulad ng “brb”, “afk”, “dnd”, “lmao” at ang napaka-tanyag na “lol” na siyang mamasamain pa ng ilang medyo baguhan pa sa chat dahil akala nila’y minura mo sila.

Isang araw sa mundo ng mIRC, may naka-chat ako, babae galling alabang. Sobrang namomroblema na daw siya sa pamilya niya kasi kahit anong gawin niya ay hindi siya pinapansin ng magulang niya. Kahit na napaka-husay ng kanyang mga grado hindi siya binibigyang puri o ano man.

Ang bigat ng problema niya diba? Pero nagawa niyang ibahagi sa akin ang nararamdaman niyang lungkot. Hindi naman kami mag-kakilala ngunit naisipan niyang mag-bukas ng kanyang damdamin at humingi ng payo mula sa isang estrangherong tulad ko. Siguro yun nga ang dahilan kung bakit ang daming nawiwili sa pag-chat. Hindi mo kailangang intindihin kung ano ang tingin ng kausap mo sayo. Pwede kang makipag-kilala at makipag-kwentuhan na hindi ka nila hinuhusgahan dahil sa iyong pananalita, pananamit o itsura. Kadalasan, dito mo na rin nakikita ang mga tunay na ugali ng ilang mga tao na kakilala mo na noon. Nagulat nga ako noong naka-chat ko ang isang “popular girl” sa school namin. Hindi ko akalain na mabait pala siya at OK kausap. Nabura ng tuluyan ang maling akala ko na siya’y suplada at antipatika. Aaminin ko, madami-dami din ang mga nagging kaibigan ko dahil sa chat, ilan mga higher o lower batch sa bene at uste. Dito ko na rin nagging ka-close ang ilang mga acquaintances noon. (Bumilis pa akong mag-type at namemorize ko ang keys ng keyboard dahil dito. Sino nagsabing wala kang matututunan sa pag-chat?) Ano, CTC?



10.10.2004
Opinyon Lang


Pauwi ako ng dorm galing UST nang napansin ko ang isang pamilyang naka-higa sa may bangkenta. Natanong ko tuloy sa sarili ko, ba't naman ganyan, isang pamilya nakatira sa bangketa? Ano ba problema ng bansa natin? Bat sobrang lunod na tayo sa kahirapan? Malamang sasabihin ng iba, "E napaka-kurakot ng mga opisyal natin e" o di kaya "E kasi naman, ang tatamad ng ibang tao, ayaw mag-trabaho." Tingin ko higit pa jan ang problema natin e.

Palagay ko ang pinaka-mabigat naproblema ng Pilipinas sa ngayon ay ang sobrang laki nating populasyon. Andami masyadong Pinoy para sa Pilipinas. At pansinin mo, kung sino pa ang mga nakatira sa tabi ng riles, sila pa itong kinse ang anak. Pag tinanong mo naman sila kung bakit ganun, ang sagot nila "Wala kasing libangan e..." wow chong, libangan!? Kahit pano mo pa tignan ang sagot na yun, ay talagang mali. Parang aksidente lang ang pagkaroon ng mga anak nila. Pano nila susuportahan ang mga anak nila na siyang responsibilidad nila?

Hindi ako naniniwala na ang sagot sa pagdami ng populasyon natin ang mga contraceptives at kung ano ano pa. Di ba nila alam na sa pag-gamit ng contraceptives na yan e parang pinapayagan mo na rin na gamitin ka o gamitin ang iba bilang pamparaos lang ng karnal na pagnanasa? Ang dakila naman ung sinabi ko, pero totoo. Sa aking palagay, ang tangin sagot sa problema sa populasyon ay disiplina sa parte ng mag-asawa. Alam naman nila kung ilang anak ang kaya nilang suportahan. Kung dalawa lang ang kaya nila, tama na, wag nang dadag-dag pa, onting disiplina lang dahil buhay rin ng iba ang kanilang itinataya kung sakaling hindi nila kayang buhayin ang anak nila. Ang drama na ng blog ko, pero minsan di maiwasang magkaron ng mga komento (tama ba yun?) tungkol sa mga ganitong bagay. Pag-bigyan niyo na ko, opinyon lang.



10.01.2004
Kwento Ng Isang Bedan


Nung unang araw ko sa kolehiyo, tinanong ako ng isa kong kaklase... "San ka nag-high school?". Sumagot ako, "Sa bene". Shempre proud ako everytime na sinasabi ko na bedan ako at nag-aral ako sa bene kahit na paminsan hindi nila kilala ang school ko hangga't hindi ko sinasabing San Beda Alabang. Dito ako nag-aral mula pre-school hanggang sa maka-graduate ng high school at ngayong college na ko, bumabalik balik pa rin ako sa bene para sa PRM at para na rin bisitahin ang bene, kamustahin ang mga teachers ko at mag-reminisce sa buhay ko sa bene.

Noong pre-school ako, meron pang swimming pool sa playground, Napaka-astig ng swimming pool na yun, parang hexagon na bathtub na kadalasan ay nalalagyan ng buhangin dahil sa iba pang mga bata na naglalaro sa paligid. Na-try mo ba yung monkey bars dun na every time na lumambitin ka e nag-lalaglagan lahat ng laman ng bulsa mo at minsan ay nanakawan ka pa ng piso ng mahuhusay mong kaklase? Suki rin ako ni mamang sorbetero na laging naka-tambay sa tapat ng gate. Official sorbetes ata yun ng bene kasi hanggang ngayon si manong sorbetero e tinatawag ng mga adviser para ilibre ang mga estudyante nila kasi nanalo sa isang contest. First time ko ring nagka-crush sa teacher ko, si Mrs. Calleja na hanggang ngayon e parang hindi pa rin tumatanda.

Nung gradeschool naman anjan ang napaka-memorable na PE uniform. Yung red na jogging pants na pag nadapa ka, butas agad. Hindi ata kumpleto ang uniporme mo sa PE kung wala itong butas sa may tuhod. Ang kakaibang music class na may rehearsals pa para sa chorus class, (infairness nakapasok ako dun). Halos lahat ng subject sa gradeschool e hinihiwalay ang mga estudyante. Sa math class, meron pang mga division, ang mga magagaling, hinihiwalay sa mejo hirap maka-gets ng lesson. Pati art class, yung mejo mahusay gumuhit sa mga tipong stick figure na nga lang mali pa (no offense). Meron ding IA o Industrial Arts, mejo boring paminsan kasi pinagaaralan niyo e ang tamang pag-palo ng martilyo at mga connection ng copper wire pero wag mong mamaliitin to, dito ako natuto gumawa ng kung ano anong bagay. Nakagawa ako ng parol, silya, lamp, salamin na may design, natutong mag silk-screen, mag-laminate at kung anu-ano pa.

High school life, the best pag sa bene mo naranasan. Ang pinaka-importante mong matututunan dito, "dapat matuto kang makisama". Aminin mo, ang mga kabarkada mo noong high school ang siya mo pa ring takbuhan hanggang ngayon. Wala nang tatalo pa sa mga naranasan ko sa bene high. Ang integration na kung saan e nag-papauto ka kapag first year ka sa mga higher batch na humihingi ng bente kasi tumapak ka sa isang square na sinulat nila sa sahig gamit ang chalk at siyang gagawin mo rin kapag hindi ka na freshman para lang makaganti. First time ko maka-kilala ng terror teacher at matutong mang-okray ng mga teacher na merong mga mannerisims na kadalasang mapapansin sa kanya. Nakaka-miss ang pag-tambay sa veranda habang wala pa ang teacher na alam naman nating bawal e tuloy pa rin. Anjan pa ang mga jamming sa classroom, kantahan ang buong klase sa mga tugtog namin sa gitara. Ang famous MedSci - PhySci rivalry na tingin ko ay nag-originate sa mga pa-contest tulad ng Songfest. Malas mo kung hindi mo naranasan ang pagiging prefect ni Sir Cordova. Naaaaapaka-higpit pero ok kasama. At sino ang hindi makaka-alala sa cheering competition kung saan makikita mo ang napaka-mahiwagang batch spirit na kung saan nag-sasama sama ang mga magkaka-batch, kinakalimutan ang mga hidwaan, diskriminisasyon, at estado sa paaralan para maka-pagcheer para sa batch? Andyan pa ang kakaibang version ng bene ng Prom, ang Threshold, ang HS Dance at shempre, ang Gradball. Napaka-daming masasaya at malulungkot na alaala ang dala ng buhay bene high.

And finally, hindi kumpleto ang reminiscing about bene kung hindi kasama ang mga natatanging putahe nito. Ang ever famous na gravy na pwede mong ihambing sa gravy ng KFC. Ang paboritong pagkain ng mga nagtitipid, ang "burger, rice w/ gravy" at kung mejo matagal ka na sa bene, naabutan mo ang isa pang variation nito, ang "chicken burger w/ rice and gravy" na siyang sinasamahan ng iced tea. Ang pang-blow out ng may birthday, sizzling. Pansin niyo rin ba na araw, araw merong breaded porkchop, at alternate naman ang plain at fried rice? Ang short-lived na dunkin donuts, at kung anu-ano pang mga stall na come and go sa loob ng ERV. Ang coke na noon ay 7 pesos lang tapos tumaas sa 20 hanggang sa tuluyang nawala dahil umano binabaan ng Nestle ang presyo nila basta't mga Nestle drinks lang ang ibebenta nila.

Kalahati ng buhay ko, inilagi ko sa bene at hanggang sa mamatay ako, ang puso ko ay maiiwan sa paaralan na to. Hindi ko ipag-papalit ang Bene para sa kahit na anong school. Kahit na madalas kong sabihing sawang-sawa na ko sa bene, Puso ko BEDAN pa rin.



The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Sampung Bagay na Ayaw ko sa Manila| |Intern Na Ako!| |Beyond -by jamo| |Love Talk| |Kalokohan| |Basag...| |Torpedo Blues| |Ang Barkada... BOW.| |Usapang Noypi| |Reunion (Maingay na Pag-iisip Take 3)|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online