Rate this site!
6.10.2005
Torpedo Blues


Naranasan mo na bang ma-torpe? Yung tipong nasa harap mo na't lahat, hindi mo pa magawang kausapin o batiin man lang siya. Para kang tanga na nakatunganga lang at hindi makakibo. Kung ganun nga, edi ayos... pareho tayo ng problema.

May kanya-kanya tayong mga dahilan kung bakit tayo natotorpe, meron diyan na nahihiya lang talaga, meron namang mga walang lakas ng loob, pero ang pinaka-madalas na rason ay ang fear of rejection o kaya e yung mga ayaw masira ang pagkakaibigan.

Yan ang lagi kong nararamdaman kaya kadalasan iniisip ko, "Friends na lang, at least dito mas safe. Nakakasama't nakaka-usap ko siya ng walang problema." Tapos darating ang araw na mapapalapit din siya sayo at magiging magbespren pa paminsan. Matutuwa ka naman, "Siguro mas madali ko nang masasabi sa kanya ngayon." Nang biglaan na lang, maiinlab siya sa iba, ikukwento pa niya ang mga kilig moments nila hanggang sa araw na maging sila na, at tatanungin ka pa, "Di ka ba masaya para sa amin?" Ikaw naman, tulala... sasagot ng, "Oo naman, syempre noh!" pero ang katotohanan, sabog ang mundo mo... para kang binagsakan ng Titanic sa bigat ng nararamdaman mo dahil nanghihinayang ka sa hindi mo pag-amin.

Pag sinabi mo naman yung nararamdaman mo, ganito ang scenario. Aaminin mo ang pag-mamahal mo sa kanya, "Alam mo, gusto talaga kita... hindi lang as a friend ang tingin ko sayo, espesyal ka sa kin." (ang baduy haha) Tuwang-tuwa ka naman dahil sa wakas, nailabas mo rin ang matagal mo nang itinatago nang biglang mapansin mong hindi siya kumikibo. Napatungo lang siya at nagsabing, "Sorry, pero I don't feel the same way e, I don't even find you interesting." (aray ko po!) Pagkatapos ay tila, nakalimutan na niya na nabubuhay ka sa mundong ito. Hindi ka na niya kinakausap. Hindi ka na niya pinapansin. Hindi na siya nag-papasama sayo pag may kailangan siyang bilhin. Hindi ka na niya nakikita. Magsisisi ka na lang na sana hindi ka umamin para hindi siya na-ilang dahil napaka-ganda ng pagkakaibigan niyo noon.

Mahal ko siya, pero hindi ako mag-tatapat. Itatago ko na lang sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko na lang sasabihin, mas ok na yung ganito at least sigurado akong hinding-hindi niya ako iiwan. Kahit na mainlab pa siya sa iba, ipagdarasal ko na lang na magbreak agad sila (nyahahaha ang sama ng ugali). Mahal kita pero natatakot ako sa mga pwedeng mang-yari. Gusto kong sabihin sayo ang lahat pero ayokong masira ang pag-kakaibigan natin. Pabiro na lang ang mga hirit ko, sana marinig mo.



may 5 na adik na naki-party:

haha.. kewl.. ano kaba.. got for it! hehe ^_- gsto mo kantahan pa kita ng torpe song? ^_-

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 12:20 PM
 

well, ok lang yan...minsan ou should take that chance..malay mo...

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 1:54 PM
 

Yihee.. Inlab si RB! :p

Pwede rin bang tawaging torpe ang babae? Kasi kunwari, may magbespren na girl en boy, tapos nagfall si girl kay boy, ayaw namang aminin ni girl yung feelings niya kasi sayang nga yung frenship.. Torpe ba tawag kay girl?

Hehe. :p I've known lots of torpes man. Mahirap. *pats back* :p

~ joyce

Sabi ni Blogger Joyce kaninang 7:25 PM
 

sana tnry mo na sabihin ang nararamdaman mo minsa kc kaming mga girls,, we do that things just to know to gusto kmi ng guy,,,, hehehe labo nohhh,,, pero its true

Sabi ni Blogger cel kaninang 10:29 AM
 

sana tnry mong sabihin sa kanya ung nararamdamn mo,,, malay mo gusto nya lang malaman kung my feelings ka sa kanya kaya nya ginawa un,,,,, ganyan kasi ang ibang mga girls,, hehehhe ang labo noh,,,,, pero its true

Sabi ni Blogger cel kaninang 10:31 AM
 

Post a Comment
<< Back

The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Ang Barkada... BOW.| |Usapang Noypi| |Reunion (Maingay na Pag-iisip Take 3)| |Basted Ba?| |An Untitled Song| |Lapis| |E-pal| |OP| |Insomiac (Maingay na Pag-iisip Take 2)| |Kwento Ko|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online