Insomiac (Maingay na Pag-iisip Take 2) |
---|
Ang labo... 5:00am na di pa rin ako makatulog. Feel ko nakatulog ako ng isang oras pero parang hindi kasi gising na gising ako ngayon. Wala akong magawa kaya naisipan ko na lang mag-blog. Outing na ng class mamaya after kuhanin ang clearance.
Actually ayoko magpunta sa clearance kasi merong mga problema ako sa isa kong kaklase. Lagi na lang siya galit sa akin. Kahit wala naman akong ginagawa talagang masama sa kanya, lagi na lang badtrip sa akin. Ang labo niya talaga, di ko na alam kung paano siya pakikisamahan.
Meron akong entry na ginawa tungkol sa problema kong ito pero di ko pa natatapos kaya di ko papinopost. Madami akong pending kumbaga... tinatamad lang ako tapusin haha. Ewan ko rin kung bat di na lang yun ang tapusin ko imbes na gumagawa ng bago, trip lang siguro.Eto ako nagti-think-out-loud na naman... wala naman akong makausap tungkol sa problema ko kasi hindi nila ako maintindihan. Hindi nila maintindihan kung bakit sumama ang loob ko sa sinabi niya kahit na sabihin nilang ganun naman talaga ako.
Labo ba? Di ko na siguro i-explica sa inyo dito. Next time na pag-tapos ko na yung isa kong post.Sa YM ala naman maxado online, nakaka-miss yung "old days" tipong ala-sais na ng umaga kausap ko pa rin ang mga kausap ko nung alas-dyis ng gabi... walang tulugan sa chat noon. Nasusulit ko pa yung unlimited internet access ko, siguro kung ngayon ako meron nun, hindi ko na masusulit kasi di na ako adik sa chat e. Tandaan ko pa noon sabi ko hinding hindi ako magsasawa sa IRC bwahahaha pero ngayon ni hindi na nga naka-install yung mIRC dito sa PC ko.
Ano kaya nangyari sa buhay ko kung hindi ako dito sa uste nag-aral? Mas masaya kaya ako ngayon? Siguro, masaya rin na mejo malungkot kasi hindi ko makikilala ang ilan sa mga kaibigang totoo na nakakasama ko ngayon pero hindi rin ako siguro namomroblema dahil sa pagiging unreasonable at immature ng iilan. Kung nag-nursing siguro ako malamang naghahanap na ko ng ibang course hahaha kasi malamang bagsak na ko by now.Ang labo pa talaga ng buhay ko ngayon. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga gusto kong gawin sa buhay ko e. Hindi ko alam kung talagang medtech na ba ang tama para sa akin. Bahala na lang siguro si batman kung ano mangyayari sa kin. Tingin ko kailangan ko ng bagong bestfriend sa uste, wala akong matakbuhan pag kailangan ko ng tulong e, yung mga kabarkada ko naman busy na rin sa kani-kanilang buhay, saka wala namin silang magagawa kasi malayo sila.
Hay buhay... parang minsan gusto ko na lang sumuko.