Rate this site!
10.01.2004
Kwento Ng Isang Bedan


Nung unang araw ko sa kolehiyo, tinanong ako ng isa kong kaklase... "San ka nag-high school?". Sumagot ako, "Sa bene". Shempre proud ako everytime na sinasabi ko na bedan ako at nag-aral ako sa bene kahit na paminsan hindi nila kilala ang school ko hangga't hindi ko sinasabing San Beda Alabang. Dito ako nag-aral mula pre-school hanggang sa maka-graduate ng high school at ngayong college na ko, bumabalik balik pa rin ako sa bene para sa PRM at para na rin bisitahin ang bene, kamustahin ang mga teachers ko at mag-reminisce sa buhay ko sa bene.

Noong pre-school ako, meron pang swimming pool sa playground, Napaka-astig ng swimming pool na yun, parang hexagon na bathtub na kadalasan ay nalalagyan ng buhangin dahil sa iba pang mga bata na naglalaro sa paligid. Na-try mo ba yung monkey bars dun na every time na lumambitin ka e nag-lalaglagan lahat ng laman ng bulsa mo at minsan ay nanakawan ka pa ng piso ng mahuhusay mong kaklase? Suki rin ako ni mamang sorbetero na laging naka-tambay sa tapat ng gate. Official sorbetes ata yun ng bene kasi hanggang ngayon si manong sorbetero e tinatawag ng mga adviser para ilibre ang mga estudyante nila kasi nanalo sa isang contest. First time ko ring nagka-crush sa teacher ko, si Mrs. Calleja na hanggang ngayon e parang hindi pa rin tumatanda.

Nung gradeschool naman anjan ang napaka-memorable na PE uniform. Yung red na jogging pants na pag nadapa ka, butas agad. Hindi ata kumpleto ang uniporme mo sa PE kung wala itong butas sa may tuhod. Ang kakaibang music class na may rehearsals pa para sa chorus class, (infairness nakapasok ako dun). Halos lahat ng subject sa gradeschool e hinihiwalay ang mga estudyante. Sa math class, meron pang mga division, ang mga magagaling, hinihiwalay sa mejo hirap maka-gets ng lesson. Pati art class, yung mejo mahusay gumuhit sa mga tipong stick figure na nga lang mali pa (no offense). Meron ding IA o Industrial Arts, mejo boring paminsan kasi pinagaaralan niyo e ang tamang pag-palo ng martilyo at mga connection ng copper wire pero wag mong mamaliitin to, dito ako natuto gumawa ng kung ano anong bagay. Nakagawa ako ng parol, silya, lamp, salamin na may design, natutong mag silk-screen, mag-laminate at kung anu-ano pa.

High school life, the best pag sa bene mo naranasan. Ang pinaka-importante mong matututunan dito, "dapat matuto kang makisama". Aminin mo, ang mga kabarkada mo noong high school ang siya mo pa ring takbuhan hanggang ngayon. Wala nang tatalo pa sa mga naranasan ko sa bene high. Ang integration na kung saan e nag-papauto ka kapag first year ka sa mga higher batch na humihingi ng bente kasi tumapak ka sa isang square na sinulat nila sa sahig gamit ang chalk at siyang gagawin mo rin kapag hindi ka na freshman para lang makaganti. First time ko maka-kilala ng terror teacher at matutong mang-okray ng mga teacher na merong mga mannerisims na kadalasang mapapansin sa kanya. Nakaka-miss ang pag-tambay sa veranda habang wala pa ang teacher na alam naman nating bawal e tuloy pa rin. Anjan pa ang mga jamming sa classroom, kantahan ang buong klase sa mga tugtog namin sa gitara. Ang famous MedSci - PhySci rivalry na tingin ko ay nag-originate sa mga pa-contest tulad ng Songfest. Malas mo kung hindi mo naranasan ang pagiging prefect ni Sir Cordova. Naaaaapaka-higpit pero ok kasama. At sino ang hindi makaka-alala sa cheering competition kung saan makikita mo ang napaka-mahiwagang batch spirit na kung saan nag-sasama sama ang mga magkaka-batch, kinakalimutan ang mga hidwaan, diskriminisasyon, at estado sa paaralan para maka-pagcheer para sa batch? Andyan pa ang kakaibang version ng bene ng Prom, ang Threshold, ang HS Dance at shempre, ang Gradball. Napaka-daming masasaya at malulungkot na alaala ang dala ng buhay bene high.

And finally, hindi kumpleto ang reminiscing about bene kung hindi kasama ang mga natatanging putahe nito. Ang ever famous na gravy na pwede mong ihambing sa gravy ng KFC. Ang paboritong pagkain ng mga nagtitipid, ang "burger, rice w/ gravy" at kung mejo matagal ka na sa bene, naabutan mo ang isa pang variation nito, ang "chicken burger w/ rice and gravy" na siyang sinasamahan ng iced tea. Ang pang-blow out ng may birthday, sizzling. Pansin niyo rin ba na araw, araw merong breaded porkchop, at alternate naman ang plain at fried rice? Ang short-lived na dunkin donuts, at kung anu-ano pang mga stall na come and go sa loob ng ERV. Ang coke na noon ay 7 pesos lang tapos tumaas sa 20 hanggang sa tuluyang nawala dahil umano binabaan ng Nestle ang presyo nila basta't mga Nestle drinks lang ang ibebenta nila.

Kalahati ng buhay ko, inilagi ko sa bene at hanggang sa mamatay ako, ang puso ko ay maiiwan sa paaralan na to. Hindi ko ipag-papalit ang Bene para sa kahit na anong school. Kahit na madalas kong sabihing sawang-sawa na ko sa bene, Puso ko BEDAN pa rin.



may 2 na adik na naki-party:

kahit ilang blogs pa na tungkol sa bene ang basahin ko, ndeng-nde ako magsasawa. ansaya talagang balikan ang buhay bene. ako din.... nde ko kakalimutan ang buhay bene. at pag ngka anak na ko, ikukwento ko dn sknia ang buhay bene.. at pra mas lalo nia itong ma appreciate, ipag a aral ko cia sa BENE! whekehekhek!! yahey... nice one ralp! *winkwink*

Sabi ni Blogger KC kaninang 8:39 AM
 

ayan kuya ralph.. shempre nakita ko na ang topic ng iyong blog e tungkol sa bene.. shempre binasa.. tama ka.. kahit na sawang sawa na sa bene *since nursery pa ako dun* at naalala ko ung pool doon.. may picture pa ako na lumalangoy dun. ahahah.. nways.. un nga.. kahit sawang sawa na.. bedan parin ako at heart. at ndi ako magsasawang ipagmalaki bene at ikwento ang mga karanasan ko sa bene.. i may seek for GREENer pasteurs but my blood remains RED. hehe.. --kae orbino [www.xanga.com/kaeorbino]

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 4:58 PM
 

Post a Comment
<< Back

The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Bakit Kaya?| |Ang Aking English Teacher... (BOW)| |College life... SUCKS!| |This is me...|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online