Bakit Kaya? |
---|
Bakit ba ang mga magulang pag pinagbawalan ka na gawin ang isang bagay di nagbibigay ng rason kung bakit?
ANAK: "Ma/Pa, punta lang ako sa mall, magkikita kita lang kami ng mga kaibigan ko"
ANAK: "Ma/Pa, may concert sa school, paborito kong banda yun e, pwede ba kong manood?"
MAGULANG: "HINDI!"
ANAK: "Baket po?"
MAGULANG: "Mas marunong ka pa sa min, basta hindi!"
Di ba parang nakakainis? Hindi naman porket tinanong mo kung ano ang dahilan e mangangatwiran ka na kailangan mo talagang pumunta sa kung saan man ang lakad mo. Di ba nila naiisip na gusto lang na malaman ng anak kung ano ang rason kung bakit hindi siya pinapayagan? Pwede naman sabihing, "Anak kaya hindi pwede kasi medyo mababa mga grades mo ngayon." o kaya "Anak miss ka lang namin, sa susunod ka na lang makipag-kita ulit sa mga kaibigan mo". Mahirap bang mag-bigay ng rason sa anak? Oo, pinagbabawalan tayo kasi ayaw nilang may masamang mangyari sa tin at ito ang nakabubuti sa atin, pero porke ba magulang sila at anak lang ang kausap nila ay hindi na nila kailangan magpaliwanag sa mga anak na kadalasan ay hindi maintindihan kung bakit yun ang naging desisyon nila?"