Rate this site!
9.19.2004
College life... SUCKS!


Nung una, di ko ipagkaka-ila na excited ako mag-college. Shempre, new crowd, new image, panibagong simula. Pwede mo ipakilala ang sarili mo sa kung ano ang gusto mong makilala nilang ikaw na walang nag-jujudge kasi di ka naman nila kilala noon. Pwede mo gawin ang kahit anong gusto mo kasi technically, adult ka na, lalo na pag-nagdodorm ka, nakow kahit anong katarantaduhang gawin mo, walang ka muwang-muwang ang mga magulang mo. Araw araw inuman, lakwatsa... sa madaling salita, MASAYA! Pero mukhang nagkamali ako.

UST BS Medtech. Ang yabang pakinggan, Bachelor of Arts in Medical Technology. Pag may nakakausap ako at sinabi ko kung ano ang kurso ko sa uste ang laging sagot "wow, talino naman, mahirap makapasok dyan a... hirap ba?", bah, malay ko ba? Di naman importante kung gusto mo ang kurso mo diba? ang kailangan lang naman e meron kang mapapasukang school at may sapat na perang pang-enroll diba? Mali ka jan, at mali din ako sa paniniwalang ok lang yun, pero ano ba magagawa ko? Di ko naman kasi talaga alam kung ano ang gusto ko. Nung unang araw ng pasok, nakipag-kilala sa ilan sa mga kaklase, mukhang OK naman sila, mabait meron pang maganda. Tapos dumaan ang guidance counselor, nagpakilala sabi daw mag-activity kami para makilala ang isa't isa... isa isa tumatayo, pa-ingles pa ang pagpapakilala. "Hi my name is ______. I graduate from ______. The reason I chose to be a medtech is ______." Yan puro ganyan, biglang ako na, pag tayo ko tanong agad sa prof "Ma'am OK lang ba kung mag-tagalog ako? Ang gagaling nila mag-english e di ko kaya yun e." Tawa mga kaklase ko, akala nila nagbibiro ako. "Hello mga classmate, ako pala si Ralph Carmen, graduate ng San Beda Alabang. Kaya ako nagmedtech, di ko alam, yabang pakinggan e..." Tawa na naman sila, ano ba ko running joke time? Di nila alam na seryoso ako sa sinasabi ko, nakangiti lang ako kasi ganun talaga ako. O diba ang saya? Wala naman ako talagang pakialam sa kung ano iniisip ng mga kaklase ko tungkol sa kin, isa lang ang pinaka-ayaw ko sa kanila, ako ang basehan nila kung mababa ang grado nila, kung delikado ba sila, parang ako ang comfort pag mababa ang nakuha nila. Isang beses nung ibinigay ang result namin sa Botany may lumapit na kaklase sa kin, isang dakilang GC (grade conscious) kong kaklase. "Ei Ralph, ilan nakuha mo?" Kitang kita sa mukha niya ang takot at lungkot. Sagot ako na parang wala lang kasi nasanay ako sa bene na cool lang kahit bagsak o mababa ang nakuhang marka. "Uh, 50 out of 100, pasang awa lang" At eto ang sinagot ng gago, "Talaga? Pasado ka? Shit, ang baba ko pala kung ganun, 60 lang ako e" E gago pala siya e, so parang pag pumasa ako, madali ang test at dapat e abot langit ang taas ng grado mo? Hay... ganyan daw talaga ang college life, iba't ibang uri ng tao ang makikilala mo. Ang mga manyak na panay chansing sa mga kaklase, ang mga gago na nag-iinuman araw araw at mas gusto pa ang mag-lasing at mag-lakwatsa kesa ang pumasok na siyang buong akala ng mga magulang nila na yun ang ginagawa. Mga nerds na ang akala mo'y mamamatay na sa pagkasabik sa mga bagong libro ng Trigo, Histology at Calculus.

Napaka-hirap ng college life ko, 2nd year pa lang ako pero masasabi kong andami ko nang napag-daanan. At hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ang gusto kong kurso, yung masasabi kong talagang hilig ko. Ang bano ba? Pasensya na tao lang, kasalanan ba ang mahirapang alamin kung ano ba talaga ang nag-papasaya sa kin? Pano kung sinabi kong nag-papasaya sa kin e ang pag-punta sa antipolo para maka-tulong sa mga retreat ng mga HS student? Pano kung sabihin kong nagpapasaya sa kin ang pakikipag-halubilo sa ibang tao? Dapat ba maghanap ako ng kurso na papantay dun sa nagpapasaya sa kin? E pano kung di ko gusto na yun ang maging future ko? Ang hirap diba? Siguro masasabi kong I'm still in the process of discovering who I am and who I want to be, kahit na 2nd year college na ko, kasalanan ba yun?



may 1 na adik na naki-party:

nakaka-relate talaga ako, ngaun pa malapit na ako mag-college...naiisip ko minsan high school pa lang ako inuman...lakwatsa...road trip na ginagwa ko..what more if college na ako? swerte ka u know ur limitations actually iilan lang mga taong ganyan to know their limitations....ang saya basahin ng mga karanasan mo lalo na ito...nun nagpakilala ka sa klase its nice being a NoyPI so what kung englishera't englishero..damN!!! ahhaaha plastic...yah mahirap nga ang calculus pareh..kung kailangan mo ng help andito lng ako natake-up na namin ang calculus ngayong 4th yr major subject namin...mahirap pero msya at nakatutuwa tlga...maraming techniques at strategies....astig nOH!!!!...mmmmm miss na kita nde ko makakaila un sana pag nakilala mo clasm8 ko jan na jan papasok this coming SY ikamusta mo ako...mamimishh namin cya ni jc heehehe.....raymond name nya...cge dude....yoh no.1

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 8:24 AM
 

Post a Comment
<< Back

The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|This is me...|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online