Kwento Ko |
---|
Panibagong umaga, heto na naman ako, nag-aayos. Akala mo kung san pupunta, papasok lang naman sa eskuwelahan. Habang naglalakad, napapangiti... "Yes! Makikita't makakasama na naman kita!", yan ang nasa isipan ko.
Pag pasok sa classroom, ayun ka, nakaupo kasama ang mga kabarkada mo, masayang nagkukwentuhan. Ang ganda mo talaga. Bawat kilos mo pinapanaood ko, pasulyapsulyap para hangaan ang kagandahan mo. "Liligawan kita, balang araw.", yan ang lagi kong bigkas sa sarili pero pag kaharap ka, nakakalimutan ko na ang lahat, natutuliro, natotorete.
"Hi. Kamusta na?", napakadaling sabihin pero pag nagmimistula akong pipi na hindi makapag-bigkas ng ni-isang salita. Sumisigaw ang puso ko, "Mahal kita! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagtitiyagang gumising ng maaga para makita agad kita. Naririnig mo ba ako? Mahal kita!".
Lunch break na, nag-iisa ka lang kasi inutusan yung mga kabarkada mo nung isang prof natin. Pagkakataon ko na ito, baka sakaling mapansin mo na rin ako. "Uy, gusto mo sabayan na kitang kumain para di ka mag-isa?" Tatanggihan niya ako, bakit siya papayag? Napaka-feeling ko talaga tangina! Tumingin ka sa akin saka ngumiti, "Talaga sasamahan mo ko? Ang bait mo naman. Salamat." Di ako makapaniwala, di na ako nakasagot. Gusto kong magtatalon sa tuwa, sa wakas magkakasama tayo! Tayong dalawa lang! Siguro may naisagot din ako nung pumayag ka kasi naglalakad na tayo palabas ng campus.
Pumasok tayo sa Jollibee. "Manlibre ka naman jan!", sabay ngiti sa akin. Kahit ano bibilhin ko basta para sayo! "Kapal mo a, ano ka sinuswerte?". Bawal ipahalata na gusto kita, minsan lang ang pagkakataon na ito. Di pa ito ang tamang oras para malaman niya. Nagkuwetuhan tayo habang kumakain, grabe ang bait mo talaga nakakatawa ka pa. Matapos kumain inalok pa kita ng isang choco sundae, "Libre ko." Kahit na sinasabi mo na wag na kasi nakakahiya sa akin, bumili pa rin ako.
Sabay tayong bumalik sa campus, derechong pumasok sa classroom. "Napa-aga ata tayo, wala pang tao e.", sabi mo habang nilalagay ang bag sa upuan. "Onga noh, buti na lang kasama kita.", naku patay! Ang bobo ko talaga! Bat ko sinabi yun? Bistado na ko, baka kung ano isipin nun! Paabot ng lubid para magbigti na ko dito. "Oo nga e, at least may makakausap ako na kumportable akong kasama." Pwede na kong mamatay. Tinabihan mo ako sa kinauupuan ko, bumilis ang tibok ng puso ko, kabadong-kabado. Ano gagawin ko? Kailangan mag-salita, wag kang tatanga-tanga diyan, magsalita ka, kahit ano!
"Gusto kita." Anak ng!? Ano yun? Sa dinami-dami ng pwedeng sabihin bat yun pa? Ganun na ba ka-grabe ang nararamdaman ko para sayo at parang di ko na kayang itago? "I like you too, masarap kang kasama. Natuwa nga ako nung inaya mo ako mag-lunch e, akala ko hindi mo na ko kakausapin." Natulala ako, totoo ba ito? Baka naman nagkamali lang ako ng rinig. Hindi, napakalinaw ng sinabi niya. Mahal kita, napakatagal ko nang hinantay ang panahon na ito.
Unti unti mong nilapit ang iyong mukha sa akin. Ang ganda mo talaga. Wala na akong pakialam sa ibang bagay, basta ang alam ko mahal kita. Di ko na kayang pigilan ang damdamin ko. Pinikit ko ang aking mga mata at unti unti ring lumapit sa iyo.
"Kkkrrreeeennngggg!!!", biglang tumunog ang alarm clock ko. Idinilat ko ang aking mga mata, alas-sais na pala ng umaga. Dahan-dahan akong bumangon sa kama.
may 7 na adik na naki-party:
hey! nice naman... totoo cguro yan..! hehe! very nice post..:D good job!
Sabi ni
12:09 AM
waaahhhh... akala ko kikiligin na ako pero... nyak! but nice one, ganda ng pagkakasulat... totoo ba 'tong pantasyang ito? hahaha!
Sabi ni
1:49 AM
galing ralph ah!! kakatuwa!! heheh i have yet to read your other posts heheheheh keep it up! ;>
Sabi ni
11:21 AM
ganda!! ganda!! galing mo, kht ako kinilig sa kwento mo. ahahahaha nice story sayang! sana totoo.. ayos lng yan, libre lng nmn ang panaginip e. ryt? oh well, i admire ur writings.. galeng mo tsong... apir!!
shocks naman... akala ko nga totoo na... galing mo magsulat... adik!!! hahahaha... joke...sana makapagsulat din ako ng maganda.. ashtig.. based on experience ba yan?ΓΌ yihee... pero ang galing mo... aabangan ko ang susunod
Sabi ni
4:47 PM
- = psSssSstTt! LuPeT nG bLoG mOh! hEhE..dAndAh nG StOrY. kaLa kO tOtOo. dReaM LaN paLa..hEhe..kiP iT uP..sTAy COoL. aStiG! =-
Sabi ni
12:26 PM
ang sweet and nice ng story. too bad twas all a dream. :o) galing galing nmn ni rb my labs... mwah. naku, bka mangyari ito balang araw. il wish for it.. but then again... maybe it will tlga... *big hug* later days....
Sabi ni
10:52 AM