CTC (Chat Tayo Chong) |
---|
Masyado na daw akong adik sa chat sabi ng nanay ko. Lalo na noon, inaabutan pa ako ng sikat ng araw at minsan di na natutulog dahil sa pag-chat. Kaya naisip ko, bat nga ba ang dami-daming nahuhumaling sa ganitong klase ng komunikasyon? Nag-aaksaya ng pagod, pera, at panahon sa kaka-type ng mga wirdong acronym tulad ng “brb”, “afk”, “dnd”, “lmao” at ang napaka-tanyag na “lol” na siyang mamasamain pa ng ilang medyo baguhan pa sa chat dahil akala nila’y minura mo sila.
Isang araw sa mundo ng mIRC, may naka-chat ako, babae galling alabang. Sobrang namomroblema na daw siya sa pamilya niya kasi kahit anong gawin niya ay hindi siya pinapansin ng magulang niya. Kahit na napaka-husay ng kanyang mga grado hindi siya binibigyang puri o ano man.
Ang bigat ng problema niya diba? Pero nagawa niyang ibahagi sa akin ang nararamdaman niyang lungkot. Hindi naman kami mag-kakilala ngunit naisipan niyang mag-bukas ng kanyang damdamin at humingi ng payo mula sa isang estrangherong tulad ko. Siguro yun nga ang dahilan kung bakit ang daming nawiwili sa pag-chat. Hindi mo kailangang intindihin kung ano ang tingin ng kausap mo sayo. Pwede kang makipag-kilala at makipag-kwentuhan na hindi ka nila hinuhusgahan dahil sa iyong pananalita, pananamit o itsura. Kadalasan, dito mo na rin nakikita ang mga tunay na ugali ng ilang mga tao na kakilala mo na noon. Nagulat nga ako noong naka-chat ko ang isang “popular girl” sa school namin. Hindi ko akalain na mabait pala siya at OK kausap. Nabura ng tuluyan ang maling akala ko na siya’y suplada at antipatika. Aaminin ko, madami-dami din ang mga nagging kaibigan ko dahil sa chat, ilan mga higher o lower batch sa bene at uste. Dito ko na rin nagging ka-close ang ilang mga acquaintances noon. (Bumilis pa akong mag-type at namemorize ko ang keys ng keyboard dahil dito. Sino nagsabing wala kang matututunan sa pag-chat?) Ano, CTC?
may 2 na adik na naki-party:
isa ako sa nahuhumaling sa chat.. (pero dati un). nde na naun. na adik tlga ako dati sa irc grbe. tlga namang araw araw, at inuumaga ako sa harap ng computer pra mkipag chat. tama ka don ralp, madami kang matututunan sa chat. natawa ako don sa "lol" ahahaha dati.. nung sinabihan ako ng LOL.. sbi ko.. "ulol ka den!" ahahahaha pare.. mahusay ka gumawa ng blog. nadadala ako sa emosyon! isa kang henyo
ass-teeg. :) sino yung kinuwento mo? hehe. honga, dahil din sa chat bumilis ako mag-type, haha. :) i seldom look at the keyboard now, pero tumitingin-tingin pa rin. haha. :)