Rate this site!
10.10.2004
Opinyon Lang


Pauwi ako ng dorm galing UST nang napansin ko ang isang pamilyang naka-higa sa may bangkenta. Natanong ko tuloy sa sarili ko, ba't naman ganyan, isang pamilya nakatira sa bangketa? Ano ba problema ng bansa natin? Bat sobrang lunod na tayo sa kahirapan? Malamang sasabihin ng iba, "E napaka-kurakot ng mga opisyal natin e" o di kaya "E kasi naman, ang tatamad ng ibang tao, ayaw mag-trabaho." Tingin ko higit pa jan ang problema natin e.

Palagay ko ang pinaka-mabigat naproblema ng Pilipinas sa ngayon ay ang sobrang laki nating populasyon. Andami masyadong Pinoy para sa Pilipinas. At pansinin mo, kung sino pa ang mga nakatira sa tabi ng riles, sila pa itong kinse ang anak. Pag tinanong mo naman sila kung bakit ganun, ang sagot nila "Wala kasing libangan e..." wow chong, libangan!? Kahit pano mo pa tignan ang sagot na yun, ay talagang mali. Parang aksidente lang ang pagkaroon ng mga anak nila. Pano nila susuportahan ang mga anak nila na siyang responsibilidad nila?

Hindi ako naniniwala na ang sagot sa pagdami ng populasyon natin ang mga contraceptives at kung ano ano pa. Di ba nila alam na sa pag-gamit ng contraceptives na yan e parang pinapayagan mo na rin na gamitin ka o gamitin ang iba bilang pamparaos lang ng karnal na pagnanasa? Ang dakila naman ung sinabi ko, pero totoo. Sa aking palagay, ang tangin sagot sa problema sa populasyon ay disiplina sa parte ng mag-asawa. Alam naman nila kung ilang anak ang kaya nilang suportahan. Kung dalawa lang ang kaya nila, tama na, wag nang dadag-dag pa, onting disiplina lang dahil buhay rin ng iba ang kanilang itinataya kung sakaling hindi nila kayang buhayin ang anak nila. Ang drama na ng blog ko, pero minsan di maiwasang magkaron ng mga komento (tama ba yun?) tungkol sa mga ganitong bagay. Pag-bigyan niyo na ko, opinyon lang.



may 1 na adik na naki-party:

pare, isa yan sa mga naging argumento kung bakit nagkaroon ng bill ng two-child policy. sang ayon din ako sa bill na iyon. masyadong malaki na ang populasyon ng ating bansa tapos wala pang disiplina sa sarili at walang sense of responsibility. pero, malungkot isipin na.. kasama sa values ang discipline, sense of responsibilty & control... mahirap man tanggapin pero hindi lahat ng tao mei values..

un e.. opinyon ko lng den. (ehehehe)

Sabi ni Blogger KC kaninang 9:09 PM
 

Post a Comment
<< Back

The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Kwento Ng Isang Bedan| |Bakit Kaya?| |Ang Aking English Teacher... (BOW)| |College life... SUCKS!| |This is me...|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online