Blog Ko 'To! |
---|
Simula nang mag-simula akong mag-blog e nakasanayan ko nang isulat muna sa notebook ang mga dumadampi sa utak ko bago ko ito i-post. (Para sa mga hindi nakaka-alam, ang Blog o Web Log ay parang isang online na journal kung saan maari mong isulat ang kahit na anong gusto mo, maging mga opinyon sa politika o mga pang-araw araw na kaganapan sa buhay mo.)Kaya bigla kong naisip, bat di natin kilatisin ang hiwaga na dulot ng blog.
Bakit ba ako nawili dito sa blog na to? Ano bang napapala ko sa kakasulat dito na bilang mo lang kung sino ang nakakabasa ng mga artikulo ko? Hindi lang ako, madami din akong kakilala na na-adik na rin ng tuluyan sa pag-blog. Kapag nagkikita-kita, asahan mong may babanggit ng ganito, "Chong nabasa mo na ba yung bago kong blog?" o di kaya'y ganito, "Basahin mo ung blog ni ___ ang ganda grabe."
Matagal na sa mundo ng internet ang mga blog sites, pero ngayon ko lang talaga na-appreciate ang silbi nito. Sa aking nararanasan ngayon, ang pangunahing dahilan kung bakit ako nagtyatyagang mag-sulat ng mag-sulat ay para iparinig sa ibang tao kung ano ang nararamdaman ko. Para ipakita kung sino talaga ako o mag-bigay ng opinyong tungkol sa mga bagay bagay, tulad nitong article na ito. Ang mga blogsites ay simbolo ng kalayaan. Malaya kang ipahiwatig ang lahat ng saloobin mo sa buong mundo. Ang lahat ng nararamdaman mo ukol sa isang bagay na gusto mong ipahiwatig tulad ng, galit sa gobyerno, inis sa teacher, pagkatuwa sa birthday o kaba sa grades. Walang censors, un-edited at talagang original ang lahat ng mga entry ng bawat tao sa kani-kanilang mga blog sites at meron ding mga magagandang literary works na galing sa mga libro na nais i-share ng blogger.Sobrang OK talaga itong pag-bablog, isang mahusay na paraan upang pumatay ng oras na sigurado kang hindi naman sayang dahil gumagana ang utak mo. Umaandar din ang iyong imahinasyon at creativity. Siguro, wala nang tatalo dito... at kung meron mang hindi sumasang-ayon, i-blog mo na lang chong.
may 1 na adik na naki-party:
"no bang napapala ko sa kakasulat dito na bilang mo lang kung sino ang nakakabasa ng mga artikulo ko?"
hmmm oo nga. kahit na parang wala o maliit lang ang audience ng ating mga blog, tuloy pa din ang pagsulat bakit kaya?
"para iparinig sa ibang tao kung ano ang nararamdaman ko."
eh sinagot mo na pala ang tanong eh! hahaha! pero oks talaga itong pagbblog... kung wala kang makausap tungkol sa mga bagay na bumabagabag sayo, isulat na lang. may magcomment man o wala, oks lang. ang importante, nailabas mo ang nasa isip mo.
Sabi ni NinayorBegger kaninang
2:07 PM