Rate this site!
12.20.2004
Maingay na Pag-iisip


Wow, tagal ko nang hindi nag-susulat sa blog na to. Dalawang buwan na rin akong walang kakibo-kibo dito sa blog na to at halos isang buwan na walang chat. Nawawalan na siguro ako ng oras na sasayangin para sa mga bagay na to, sayang kasi masaya, pero kadalasan merong mga mas importanteng bagay na pagtuunan ng pansin at pag-gamitan ng oras. Oras! Lagi na lang kulang sa oras! Ang daming mga bagay na gusto nating gawin pero parang lagi tayong kinakapos sa panahon at sa sobrang bilis nito, di na natin namamalayan.

Napuna ako ng magulang ko, parang nahinto na daw ang pag-chchat ko. Parang kaunting oras na lang ang tinatagal ko sa harap ng computer. Sabi ko naman sa kanila, " kahit naman gustuhin ko, wala na kong oras". Laging may project, laging may assignment, laging may quiz... Napaka-hectic, parang nagulat na lang ako, WOW! Malapit na naman matapos ang isang taon. Parang kailan lang, lumalaban ang section namin sa Sabayang Pagbigkas noong Grade School. Parang kahapon lang, nahahassle pa ko sa pinagkaiba ng HS sa GS. At parang kanina lang, di ko malaman kung saan ako magko-kolehiyo.

Pero ngayon, kung suswertehin, dalawang taon na lang, graduate na ko ng Medtech, tapos kukuha na ng lisensya, tapos magtatrabaho. Ang bilis masyado ng pag-daloy ng panahon. Hindi ko namalayan na seryoso na pala, hindi na biro ang mga desisyon na kailangan kong gawin ngayon. Kung ngayon pa ko papalya, pwedeng mawalan ng kwenta ang lahat pati buhay ko pag nagka-pamilya na ko.

Ayoko pa, di pa ko handa. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko bumalik noon HS pa ko. Pa-easy-easy lang, walang problema, walang iniintinding iba kundi mag-lakwatsa, makipag-halubilo sa mga kaibigan at mag-libang. Kung may test man, onting basa lang ok na (nakikinig naman ako at naiintindihan ko naman kahit papano yung mga lesson kaya di na ko nangangarir ng exams). Pero ibang-iba ngayon, papasok ka pa sa klase kahit na halos mamatay ka na sa lagnat kasi may quiz. Wala ka nang tulog kasi araw-araw may quiz, report, assignment o major exam. Aabutin na ng buwan ang huling bisita mo sa isang mall at kung mapunta ka man, kadalasan dahil may bibilin sa National.

Pero wala na akong magagawa, nandito na ko e, sa ayaw at sa gusto ko, kailangan ko harapin ang mapakla at kulang sa asin at pamintang katotohanan na umaandar ang oras, na lahat ng bagay, lumilipas na ang lahat ay nag-babago.

Hanggang ngayon, sinusubukan ko pa ring tanggapin na habang tumatagal, lalo pang hihirap. Ang lahat ng nirereklamo ko ngayon ay lalong lalala sa pag-lipas ng panahon. Kailangan ko sigurong matutunang sumakay sa agos ng pagbabago. Ang baduy diba? Pero kailangan ko talaga matutunang mag-cope sa mga bagay-bagay. Unti-unti ko na rin nare-realize na lahat ay nag-iiba, na ang mga kaibigan mo ay maaring maging nakikipag-plastikan lang sayo, na ang mga nakasanayan nating pakikitungo sa mga tao ay hindi applicable sa iba. Mahirap gawin, pero kailangan. Aaminin ko, kailangan ko ng makaka-usap, ng mag-bibigay payo pero wala akong mapuntahan, kaya nga ko nagsusulat sa blog na to e... Isa lang ang alam ko, kahit anong mangyari, matatapos din to, at kung maswerte nga, magiging ok din ang lahat... sana...



may 1 na adik na naki-party:

nde pwdeng lgi nlng pa easy-easy, nde dn pwdeng maabot ang malaking pagbabago kng walang hirap na madadanasan. hirap, parte lng ng buhay yan.. at nde tama na magpadala nlng taio sa agos ng "paghihirap". bangon lng ng bangon, mangarap at maghirap.. ganon lng un. =) nice one dude..

Sabi ni Blogger KC kaninang 4:16 PM
 

Post a Comment
<< Back

The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Blog Ko 'To!| |Makinig Ka Sana| |CTC (Chat Tayo Chong)| |Opinyon Lang| |Kwento Ng Isang Bedan| |Bakit Kaya?| |Ang Aking English Teacher... (BOW)| |College life... SUCKS!| |This is me...|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online