Rate this site!
1.19.2005
Hey Man, I'm Flip!


Araw-araw na lang tayong sinasampal ng katotohanan na bagsak na ang ekonomiya natin. Ang mga opisyal sa gobyerno, imbes na makatulong ay siya pang dumadagdag sa kalbaryo natin. Ang perang para sana sa ika-uunlad ng bansang naghihikahos, napupunta pa sa bulsa ng mga nagpapayaman at makakapangyarihang tao na walang ibang iniisip kundi ang mga sarili nila. Pag may problema ang bansa tulad ng mga landslide o kung anu-ano pang sakuna, nagtuturuan kung sino ang may kasalanan kaysa tumulong agad sa nabikitima. Ang mga pulis na dapat sana nag-papatupad ng batas ang kadalasang utak ng krimen, at siyempre ang presidente nating paranoid na sobrang takot sa masang Pilipino. (Tama bang mag-deploy ng mahigit 10,000 na pulis at militar dahil ililibing ang isang artista?) Wala na atang pag-asa ang Pinas.

Puro negatibo na lang ata ang nakikita sa bansa natin. Kapag tanungin mo ang isang kababayan natin kung ayaw na ba niyang maging Pinoy, malamang sasabihin niya ay hinde. Kahit anong mangyari hinding-hindi ipag-papalit ang kanyang lahi para sa kahit ano, Pinoy Pride ika-nga ng marami.

Pinoy Pride, palagay ko tatlong toothpick na lang ang nag-tatayo sa Pinoy Pride na yan. Oo nga at may Manny Paquiao, may Efren "Bata" Reyes tayo at iba pang mga kababayang nag-papasarap sa pagiging PInoy dahil kahit kaunti ay maganda naman ang napapansin sa bansa natin pero lagi na lang ba tayong makiki-sawsaw sa tagumpay ng iilan? Ano ba talaga ang problema ng Pinas at nag-kakaganito tayo?

Siguro respeto at pag-mamahal lang ang kulang sa ating mga Pinoy. Parang napaka-simple diba? Pero isipin mong mabuti, kung mahal ba talaga ng mga kurakot na opisyal ang Pinas, dadayain ba nila ang mga mamamayan nito? Kung nirerespeto ba nating ang kakayanan ng mga Pinoy, mapipilitan ba silang mag-punta sa ibang bansa para maka-kuha ng matinong trabaho?

Kulang lang sa pag-mamahal at respeto ang bawat Pinoy para sa bansa at sa kababayan. Parang napaka dali talaga sabihin nito pero sobrang hirap gawin. Kahit ilang beses mong sabihing mahal mo ang Pilipinas pero nakatatak na sa utak mong mas maganda kung branded ang damit mo ng kano, hindi mo pa rin binibigyang halaga ang pagiging Pilipino mo. Tignan niyo ang mga Hapon, napakahirap maka-hanap ng Hapon na marunong mag-ingles, bakit kamo? Dahil mas binibigyang importansya nila ang kanilang sariling wika kaysa sa wika ng ibang bansa habang dito sa Pinas. ang pagiging inglesero ang basehan ng iilan sa talino ng tao. Malabo talaga diba? Parang huli na ang lahat para sa Pinas, wala na ata talagang pag-asa kaya ang tanong ko lang sa inyo, "Pagod ka na bang maging Pinoy?"



may 1 na adik na naki-party:

haha.. ayus!! pinoy rocks! \m/-

mhen, c hanee toh.. ^_^

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 8:26 PM
 

Post a Comment
<< Back

The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Maingay na Pag-iisip| |Blog Ko 'To!| |Makinig Ka Sana| |CTC (Chat Tayo Chong)| |Opinyon Lang| |Kwento Ng Isang Bedan| |Bakit Kaya?| |Ang Aking English Teacher... (BOW)| |College life... SUCKS!| |This is me...|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online