Rate this site!
5.08.2005
Lapis


Nung gradeschool ako, madalas akong pumunta ng guidance office. Hindi naman sa lagi akong may kasalanan o malaking problema, pwede kasing mang-hiram ng mga board games dun e. Sa dalas ng punta ko dun, may isang poster na kumuha sa atensyon ko. Isang litrato ng batang nag-susulat at ang linyang, "Everybody makes mistakes, that's why pencils have erasers."

Talagang tumatak sa isipan ko ang mga salitang iyon. Tama nga naman, lahat ng tao nag-kakamali, kahit nga mga pari nag-kakaron din ng kasalanan paminsan-minsan e.

Walang taong perpekto, alam ng lahat yan.

Pero bakit kaya napaka-hirap mag-patawad?

Bakit kaya mahirap kalimutan ang kamalian ng iba?

Guilty ako dun. May mga pagkaka-taon na talagang napakatagal bago ko mapatawad an isang tao. Kadalasan naman kasi kung ano ang bagay na ikinasasama ng loob ko, yun at yun pa rin ang inuulit-ulit niya. Walang katapusang away-bati, away-bati, pero ganun pa rin, uulitin pa rin ang kasalanan. Minsan naiisip ko pag-nasosorry na naman siya, "E pucha sorry ka na naman ng sorry tapos uulitin mo rin naman pagkatapos ng ilang araw."

Di ba't nakakasawa na ang magpakumbaba? Di ba't ang hirap lunukin ang pride para lang kalimutan ang kasalanan sa iyo? Pero parang nag-sosorry lang siya just for the sake na walang gulo pero hindi niya itinatatak sa utak nia kung ano ang kasalanan niya.

Hindi masama ang pagiging mapagpasensya sa mga pagkakamali.

Pinapapurihan ang mga taong nagpapatawad sa mga nagkakaron ng atraso sa kanya.

Maganda rin ang mensahe nung poster na nakita ko, pero may nakalimutan silang sabihin.

"Ang papel, nasisira at nabubutas pag sumobra na ang pag-bura sa mga mali ng lapis."



may 4 na adik na naki-party:

nice entry ^_- i agree.. haay naku.. that's life.. wedah we like it or not.. we have to deal w/ it.. even if it sucks.. ^_-

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 8:16 PM
 

hi ralph : ) i like your post, the last line's true. man. i know. : )

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 11:33 AM
 

sang-ayon ako sa'yo.

naalala ko tuloy yung "childhood friend" ko. alam kong nagkakamali ako sa kanya, pero sobrang liit lang ng mga bagay na nagagawa ko. at minsan lang. pero nung nakaraang taon, may nagawa ako sakanya. na hindi niya talaga kalilimutan.

ilang beses na rin ako humingi ng patawad sa kanya. mga dalawang buwan din. minsan nga, nagmumukha na'kong tibo sa kasosori sa kanya. pero "pinasabi" niya na di na siya galit.

lumuwag naman ang loob ko ng konti. pero sa tuwing magkikita kami.. andun pa rin yung pakiramdam ko na parang hanggang ngayon, di pa rin nia ako napapatawad ng tuluyan. di pa rin niya ako iniimik, tinitingnan.. pag sasagot siya, tumutungo lang siya. pero pag kapatid nag kausap ko, parang magbesprens na sila.

sinusubukan ko na kalimutan na lang ang nangyari. alam kong kasalanan ko yun. pero ba't parang hanggang ngayon, may pait pa rin siya sa puso? parang hindi na lapis ang ginamit sa pagsulat sa papel e.. parang bolpen na. pero may "liquid eraser" naman diba?

pero ewan. kasalanan ko naman yun e. siguro tanggap ko na rin na di na niya ako kinakausap o pinapansin.

mali ba yun?

Sabi ni Blogger Joyce kaninang 11:35 PM
 

Wow. Superb entry. And soooo true. :)

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 7:16 PM
 

Post a Comment
<< Back

The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|E-pal| |OP| |Insomiac (Maingay na Pag-iisip Take 2)| |Kwento Ko| |Hey Man, I'm Flip!| |Maingay na Pag-iisip| |Blog Ko 'To!| |Makinig Ka Sana| |CTC (Chat Tayo Chong)| |Opinyon Lang|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online