OP |
---|
Minsan di maiiwasan ng isang tao ang makaramdam na hindi siya tanggap ng iba. Maging sa isang grupo man ito o kahit sa classroom, pati na rin sa mga get-together.
Alam kong hindi naman natutuwa ang iba sa presence ko sa grupong yun pero sige ka pa rin kasi naiisip mo, hindi naman talaga sila ang pakay ko kaya ako sumali sa grupong ito. Pero hindi mo rin maiiwasang ma-ilang dahil syempre ang gusto mo lang naman ay i-befriend ang iba pang, tulad mo, ay gusto rin mag-serve kay Super Friend kasi importante rin naman ang maganda samahan sa mga ganitong grupo.
Oo, madami rin akong naging kaibigan nung sumali ako sa grupong iyon at syempre, mas na-feel ko na nakakapag-give back ako kay Super Friend sa pag-sali ko sa mga retreats. Kumbaga, mas naramdaman kong mahal ako ni Super Friend at mas natuwa ako kasi alam kong may nagagawa ako para sa kanya.
Maganda rin naman ang samahan ng mga miyembro ng grupong ito, nagkakatuwaan, gumi-gimik, nag-susuportahan sa mga problema. Nakikita ko yun... madami na ring natulungan nung may problema sila.
Pero bakit ganun? Kahit na gustuhin kong maging mas close sa kanila, para bang andun yung pakiramdam na ayaw naman sayo ng ilan. Gusto kong humingi ng tulong pag may problema ako pero pakiramdam ko, wala naman talagang may pake.
All i want is to belong, madami akong flaws, alam ko yun, sana sabihin nila sa akin kung ano yung ayaw nila sa akin kaya ganun na lang ang trato ng ilan sa akin para mabago ko. Siguro kailangan lang din ng kaunting time para maging at ease sila sa akin, at mas maging kumportable ako sa iba pang mga miyembro. Hindi naman kasi lahat ng pagkakaibigan madaling simulan. Sana lang, hindi ganun katagal dahil mahal ko ang pamilyang to.
I'll just have to wait for some to accept me.
may 1 na adik na naki-party:
ralph, don't worry give it a little time. Pray for it. i felt the same when I first joined the LSPO. Despite the fact that we all wanted to serve SUPERFRIEND parang minsan awkward. I think that the key is to try opening up to them, as you were saying try to be at ease and hang out with them. By thinking na wala silang pakialam can do so little. You have to allow them to enter yOur life my friend. Kayang kaya. i'll be praying for yoU! :)