Basted Ba? |
---|
Normal na sa atin ang panliligaw. Sa bansa natin, tila naka-ukit na ito sa ating kultura. Napaka-importante nito dahil dito mo mas makikilala ng lubusan ang pagkatao ng babaeng gusto mo. Sa pangliligaw mo lang din maipapakita na seryoso ka sa kanya at maipadama ang nararamdaman mo para sa kanya. Mahirap ang panliligaw, magastos at nakaka-pagod pero nagiging worth it ang lahat pag naging kayo na. Pag nakamit mo ang matamis na "oo", tara inuman tayo. "Cheers!"
Pero paano kung nabulilyaso? Imbes na ang matamis na "oo", ang narinig mo ay ang masalimuot at mapait na "Hindi kita gusto", o di kaya ang malupit na "I'm not yet ready to enter a serious relationship", o kaya ang pinaka-paborito ng lahat, ang "Let's just be friends." Ang sakit diba? Ano na gagawin mo ngayon?
Ops, teka lang bro, bago mo i-setup yang lubid sa kisame at magpa-tiwakal patapusin mo muna ako.
Hindi naman masama ang masaktan, normal lang yun. HIndi naman kasi biro ang ginawa mong pag-tatapat at panunuyo sa kanya. Ginawa mo na ang lahat ng makakaya mong gawin para mapa-sagot siya. Sumagot naman siya e... hindi nga lang yung gusto mong sagot. Wala na tayong magagawa kung hindi ang mag-move on.
Napakadaling sabihin pero mahirap gawin, kaso yun lang ang magagawa mo. Hindi ito pag-suko dahil tandaan mo, sinubukan mo na kung kaya ka rin niyang mahalin kaya lang hindi talaga siya ang para sa iyo.
Tandaan mo lagi ang dalawang katagang ito na paulit-ulit na nating naririnig. "Hindi pa tapos ang lahat" at "Marami pa namang iba jan." Malamang iniisip mo ngayon, "E iba siya dude, iba siya sa mga babaeng nakilala ko... siya lang ang minahal ko ng ganito, blah blah blah," at kung anu-ano pang mga kakornihan na napulot mo ata sa kakapanood ng mga telenovela. Maniwala ka sa akin, expert ako pag-dating sa pagiging basted. Ngayon lang yang nararamdaman mo. Makalipas ang ilang buwan, malamang may bago ka na namang prospect at sasabihin mo ulit lahat ng ka-eklatan na sinabi mo noon.
Wag na wag mong hayaan na mawala ang iyong tiwala sa sarili dahil sa kabiguan mo. Sabi nga ni Chito sa kantang First Day Funk, "Confidence chong... lakas loob, wag na wag kang patataob." Dapat take this like a man (naks).
"Beauty is in the eye of the tiger" este "beholder" pala (hehe patawa). Malay mo kinabukasan ma-meet mo rin ang babaeng para sa iyo. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Isipin mo kung ano ang nagawa mong mali para hindi mo na uulitin sa susunod na manligaw ka ulit. "Learn from your mistakes and grow."
Basta dude, tandaan mo lang na ang panliligaw dinadaan sa tiyaga at hindi sa pagpapasikat (haha feeling magaling e noh?). Kaya natin 'to, hindi na uso ang gwapo, nadadaan na ang lahat sa charisma at pambobola (hehe joke lang).
Kung talagang hindi ka naniniwala sa mga pinag-sasabi ko, wag kang mag-patiwakal makalat yan, maawa ka naman dun sa taong maglilinis noh!? Mamamatay ka na lang, mag-kakalat ka pa. Sumali ka na lang sa seminaryo, balita ko malakas ang appeal ng mga seminarista sa mga babae (hahaha).
may 4 na adik na naki-party:
sup? post ka nman m a s a y a! :D
Sabi ni
8:55 AM
panahon ba ngaun ng mga problema sa lablayf?! hehehe! steady lng! hihi
Sabi ni
11:34 AM
astig!
Sabi ni
1:27 PM
ok mga entries mo a! ;p
"...at kung anu-ano pang mga kakornihan na napulot mo ata sa kakapanood ng mga telenovela."
-- natawa ako dito. hehe
Sabi ni
1:36 AM