Ang Barkada... BOW. |
---|
Naalala mo pa ba ang HS barkada mo? Siguro naman oo ang sagot mo diyan (unless loner ka nung HS at kinasusuklaman ang pakikipag-kaibigan sa kanila).
Sa dinami-dami ng pinagdaanan mo sa buhay, ang kadalasang kasama mo jan ay ang barkada mo. Sa hirap at ginhawa... parang pangalawang pamilya na yan e. Pag may problema sa pamilya, ang takbuhan mo... barkada. Pag may problema sa skul, ang ka-damay mo... barkada. At kung bulilyaso at isinumpa ang iyong love life, ang ka-inuman mo... barkada. Laging nandyan kahit anong mangyari, oo sige... minsan nagkaka-tampuhan, nag-aaway din. Pero diba't parang isang normal na pamilya lang din yun? Hindi naman maiiwasan ang di pagkakaintindihan e, ang importante ay yung pagkatapos ng bawat gulo, andyan pa rin kayo para sa isa't-isa.
Sa UST, sobrang nangungulila ako sa barkada ko. Hindi ako makahanap ng grupo na katulad nila kaya nga nung nag reunion kami ng HS barkada ko nung Monday e sobrang saya ko. Kumpleto (halos, wala kasi si Mac² e) ang barkada. Nakita ko kung ano yung kulang sa akin sa college ngayon kung kaya sobrang inis na inis ako sa buhay. Wala ang pangalawang pamilya ko. Ang mga taong tinanggap ako kung sino ako, at alam akong mahal talaga ako at tinuturing akong kaibigan, walang backstabban, kaya kong ipagkatiwala ang buhay ko at higit sa lahat, WALANG PLASTIKAN! Kung may ayaw sila sa akin na ginagawa ko, sinasabi nila ng harap-harapan, hindi yung patalikod kung lumaban.
At dahil kanina pa ko nagta-type pero wala nang maisip isulat.
Ipapakilala ko ang barkada ko, isa-isa in no particular order. Si Timoy da laber boy, halimaw sa talino at fellow blogger. Si Jere na medyo moody pero masaya kasama. Si Pau na laging na-api sa amin ni Don at Mac pero hindi napipikon (badtrip di talaga mapikon). Si Don na masasabi kong pinaka-kaclose ko sa grupo (literal kasi siya pinakamalapit sa bahay namin e). Si Mac² na cheerdancer na, PS2 adik pa (grabe, connected yun a.. cheering, ps2... sapul!). Si Chloe, ang probinsyanong paiba-iba ng cellphone at laging nag-uupgrade ng PC. Si Cris na after 3 years ko lang ulit nakita pero napaka-ganda at kikay pa rin. Si Cel na sobrang game sa gimik pero di pupunta (buti na lang pumunta siya nung Monday hehe). Si Kat, ang gimikera at fashionistang nurse at ang dalawang bunso ng grupo, si Cuy² na maliit at cute pero p*t@ng !n@ sa lakas mang-hampas (masaket sobra!!!), at si Jhong na mukhang bata, isip bata pero kilos matanda. Walang pangalan ang barkada namin (tingin kasi namin kabaduyan lang yun) pero mahal namin ang isa't-isa at hinding-hindi namin ipag-papalit ang panahon na nagkakilala kaming lahat.
Kahit kailan, alam kong andyan sila palagi para matakbuhan pagdating sa problema, at makasama pagdating sa gimikan kaya sobrang hinahanap-hanap ko sila dahil alam kong hindi ako makaka-kilala ng mga katulad nila. Hindi na ako aasa na makikilala ako ng lubusan ng mga kasama ko ngayon kasi naka-semento na sa utak nila kung ano at sino ang AKALA nilang ako.
Kahit kailan, walang ibang papalit sa barkada ko (oo na, kanina ko pa sinasabi to pero yun lang naman ang talagang nararamdaman ko e), sila ang masasabi kong mga tunay na kaibigan na may pakielam sa buhay mo.
Nag-iisang bagay lang naman kasi ang pinaniniwalaan namin... walang iwanan.
may 6 na adik na naki-party:
nice...ako rin, di kita iiwan... :P (kahit di mo ako kabarkada)
Sabi ni
11:28 AM
nice...ako rin, di kita iiwan... :P (kahit di mo ako kabarkada)
Sabi ni
11:29 AM
Naks. The other side of Ralph. :)
Sabi ni
3:23 PM
waaaah!!! ganyan din ako ngayong college! kala ko ako lang ang may ganitong feeling may mga kadamay din pala ako. wala talgang makakapantay sa samahan ng highschool. rar.
Sabi ni Indie kaninang
2:30 AM
iba tlaga ang bonding ng HS friends, mas close and mas solid.. now i begin to miss my tropa na naman! kaka-homesick! haha..
Sabi ni Frances kaninang
2:53 PM
da best tlga ang hayskul tropa! walang papantay dun. sa college kse 3 naging tropa ko at sa 3 grupong yun...despite sa dami nila, 4 na tao lang tlga ang naging kaclose ko ng malufet...di tulad ng hayskul, halos ka-close mo lahat...mas mganda ang bonding ng hayskul dahil 4yrs kyo magkakasama sa saya at luha ng buhay...kaya pag dating sa batch reunions, laging hayskul ang meron reunion, bihira lang ang sa college. at pagdating sa mga special events ng buhay mo, una mong naiisip imbitahan (bukod sa mga kamag-anak) ay ang mga H.S tropa. pansin ko yan pag naattend ako sa kasalan ng mga kakilala/kaibigan ko...dominante tlga ang h.s friends kesa sa college friends. pero sympre, depende narin yan sa tao...pero usually tlga hayskul tropa ang nananaig! hahaha! piz awt!
Sabi ni
1:46 AM