Basag... |
---|
Napaka-tagal na nating magkakilala. Grade 5 pa tayo nung huli tayong naging magkaklase, dun din tayong unang nagkakilala at naging malapit na mag-kaibigan. Nung high school, mejo nagkalayo tayo dahil sa mga barkadang kinapa-bilangan. Bihira na tayong magkapag-usap pero lagi tayong nagpapalitan ng mga ngiti pag nagkikita tayo. Noon pa man, crush na kita.
Nag-kataong iisa ang napasukan nating kolehiyo at parehas pa ng kurso.
Unang araw ng klase, para akong tangang naliligaw sa campus. Halos malibot ko na ang buong building para mahanap ang classroom ko.
Pag-pasok ko sa classroom, natulala na lang ako sa aking nakita. Andun ka, nakaupo sa may likuran habang pinagmamasdan ang ating mga kaklase na nagkakahiyaang mag-usap. Nakita mo ako at kinawayan, parang tumalon ang puso ko, tinabihan kita sa iyong kinauupuan. "Oi, kamusta na?" Syempre pa-cool lang ako para di halata pero ang totoo, nagtutumbling na ako sa tuwa. "Akalain mong magkaklase tayo? Ang galing noh?" Tadhana to! Ikaw ang binigay ni Superfriend sa akin! Naaninag ko ang iyong napaka-gandang ngiti at ika'y sumagot, "Oo nga e, tagal na nating di nag-uusap a, di mo na kasi ako pinapansin after ng grade school days natin e." Hindi na lang ako sumagot pero ang totoo, natotorpe lang ako noon, mahal kita e, umiwas ako dahil ayokong malaman mo.
Wala tayong ginawa kundi mag-kwentuhan tungkol sa mga masasaya't malulungkot na mga pangyayaring pinagdaanan natin nung magkaklase pa tayo. Bata pa tayo noon pero alam ko nang mahal kita. Hanggang ngayon ganun pa rin ang nararamdaman ko. May mga taong nasaktan ko rin dahil hindi ko sila kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Pinaalala mo sa akin kung ba't kita nagustuhan. Ang iyong malambing na boses, ang mga mata mo na parang natutunaw ako pag nakikita ko. Matalino't maganda ka at napaka-mabait pa kaya di nakakapag-takang napaka-daming nagkagusto at nanligaw sayo.
Natapos ang araw natin ng hindi man lang maalala ang mga pangalan ng mga kaklase at profs natin dahil nakatuon lang ang atensyon natin sa isa't-isa.
"Uy, pwede mo ba akong samahan dun sa park dun sa likod?" Yan ang sinabi mo pagkatapos ng klase. Natural pumayag ako, pag-kakataon ko na rin itong masabi sayo na mahal kita noon pa man. Hindi ako nag-mahal ng iba dahil ikaw lang ang babaeng gusto ko. Habang nag-lalakad tayo'y unti-unti kong binubuo sa isipan ko ang gagawin kong pag-tatapat sayo. Nag-iipon ako ng lakas ng loob para masabi ang lahat ng yun sa iyo. Ipagsisigawan ko sa buong mundo na minamahal kita. Wala nang hahadlang sa akin dahil desidido na akong ipagtatapat ko na ang pagmamahal ko sayo.
Pagdating natin sa park, tila may hinahanap ka. Bigla ka na lang dali-daling tumakbo nang makita mo na yata ang hinahanap mo. Hinawakan mo pa ang aking kamay para isama ako sa pupuntahan mo at medyo napangiti naman ako.
Isang lalaking naka-upo sa bench ang aking nakita. Inakap mo siya at hinalikan sa pisngi. Parang kilala ko yang lalaking yan pero ayokong maniwala. Kitang-kita ko ang saya sa iyong magagandang mga mata, "Uy, siya nga pala ang boyfriend ko magtu-two years na kami, magkakilala kayo diba?"
Hindi na lang ako nag-salita. Pinilit kong ngumiti pagkatapos ay gumawa ng alibi para maka-alis na.
Oo kilalang-kilala ko yan... siya ang bestfriend ko.
may 10 na adik na naki-party:
ngek, umm... purely fictional yung storya hehehe hindi po ako yan... story lang na ginawa ko =P
Sabi ni rOwLp kaninang
12:13 PM
fictional daw....hehe joke nice work chong! impressive
Sabi ni
2:10 PM
naks nice ah... hehe.
Sabi ni
7:51 PM
asus, nagdahilan ka pa. haha. :)
jox. sakit nun chong.
~ joyce
Sabi ni Joyce kaninang
10:40 PM
hanep mae, may five thumbs ka pala! cool! sana ako rin! hehehhe si rowlp 5 thumbs nyan! heheh
Sabi ni
10:38 AM
nice nice nice!! ΓΌ
Sabi ni
8:39 PM
hi.. nakita ko link mo sa pinoyblogger... hmm.. true story ba to? ang ganda! tinapos kong basahin ung story.. kayalang, ang lungkot ng ending.. hehe pero ang ganda ha.. astig! galing mo namang sumulat..
Sabi ni
1:25 AM
galing ah! pero OMG parin if totoo! hehehe! astig!
Sabi ni
7:07 PM
nice story...mabigat sa dibdib...hehehe
Sabi ni
9:47 PM
WOW.. so warm and EMO! keep it up.. keep writing, i have a of stories similar to this, but im quite hesitant to post it on my blog..