Love Talk |
---|
Siguro lahat naman sa atin na-involve na sa isang relationship. Di ba ang sarap ng pakiramdam na alam mong may isang tao na kinokonsidera kang special sa kanya? Araw-araw ka-text, kausap, kachat, kakulitan, kakwentuhan... kasama. Yun yung mga araw na nag-papasalamat ka na nakilala mo siya. Yun yung mga araw na ipinapanalangin mo na sana wag na matapos.
Pero hindi pwede yun e... sa pelikula lang ang "happily ever after". Darating din kayo sa punto na mag-aaway kayo. Darating ang mga problema na susubok sa samahan niyo. Dito nakikita kung totoo ang relationship niyo. Dito makikita kung talagang mahal niyo ang isa't-isa. Ang lahat ng relationship ay may mga di pakakaunawaan. Walang matatawag na perfect relationship, lahat naman tayo may mga di magandang katangian at minsan yun ang dahilan ng mga away. Dapat dito ipupundar ang pag-mamahal mo. We like someone because of the good things we see in them but we truly love them for their flaws.
Ang bawat problema na dumarating sa buhay niyo as a couple ang magpapatibay o sisira sa inyong pagsasama. Hindi importante kung malaki o maliit ang mga problemang ito, ang mahalaga ay kung ilang beses kayo bumangon ulit at pinatunayan sa lahat na kahit anong mangyari ay mahal niyo pa rin ang isa't isa.
may 4 na adik na naki-party:
hayup! inlab si tito... ack!!!
-eka
Sabi ni
4:38 PM
ang galing mo! tama ka. pero sa totoo lang, kahit na walang perfect na couple, masasabi ko na perfect parin kami hindi dahil hindi kami nagaaway pero dahil sa nag-aaway kami pero natututo kami sa mga napagaawayan namin at napapagusapan namin ng matino. Sana lang malagpasan namin lahat ng problema na dadating at magtagal pa kami ng mas matagal para maging asawa nya ko hanggang sa pagtanda namin..
Sabi ni Indie kaninang
12:43 PM
ayoko na ng love! =(
Sabi ni TENTAYâ„¢ kaninang
10:50 PM
yeah ur ryt ..
u rily cnt say if a relationship is prfect ..
couple's misunderstandings are just a part of their affinity ..
they are being tested ..
well , maybe it isn't yet the right time for this love ..
may mas prepared p nah best kesa ke present mu ..
Sabi ni ms . aycah kaninang
12:09 PM