8.28.2005
Kalokohan |
---|
"Ikaw ang buhay ko." Ilang beses ko na ring nasabi yan sayo. Paulit-ulit, sa bawat oras na mag-kasama tayo, ipinaparamdam ko kung gaano kita kamahal. Tandang-tanda ko pa nga nung una kitang naka-usap, tinutukso pa nga ako ng mga kabarkada ko kasi alam nilang may gusto ako sayo. Di mo lang siguro alam, pero halos mamatay na ako sa nerbyos kasi di ko malaman kung ano ang sasabihin o ikikilos ko. Buti na lang at napaka-bait mo, nawala yung kaba na nararamdaman ko nung araw na yon.
Di nag-tagal, naging magkaibigan din tayo. Halos araw-araw tayo kung mag-usa. Minsan sa telepono o kaya naman puro text. Isang beses pa nga halos halughugin ko na yung buong bahay para lang maka-hanap ng pera na pang-load para lang makapag-reply sa iyo.
Araw-araw, unti-unting nahulog ang puso ko. "Mahal kita, ikaw ang buhay ko." Yan ang sinabi ko nung araw na ipag-tapat ko ang nararamdaman ko para sa iyo. "Sa iyo umiikot ang mundo ko." Buong tapang kong ibinuhos ang lahat ng gusto kong sabihin nung araw na iyon. Niligawan kita, at di naman ako nabigo. Sobrang saya ko nung sabihin mong mahal mo rin ako.
Anibersaryo na nating ngayon, isang taon na tayong magka-sama. Pinag-handaan ko ang araw na ito. Planadong-planado na ang lahat. Ang usapan natin ay magkikita tayo ng alas-nuebe kasi sabi mo mayroon kang importanteng lakad nung hapon, pero gusto sana kitang surpresahin kaya't naisipan kong sunduin ka sa bahay mo para pag-dating mo andun na ako. Dadalhin kita sa bahay namin kung saan nag-handa ako para makapag-celebrate tayo ng una nating taon na magkasintahan. Lahat ng paborito mo, sinikap kong maisama sa handa. Pag-katapos nun ay pupunta tayo dun sa lugar kung saan mo ako sinagot.
Magaalas-siete pa lang nung dumating ako sa harap ng bahay niyo. Lalapit na dapat ako sa gate ninyo para mag-doorbell nang may napansin ko ang isang kotse sa tapat nito. "Parang may mali..." yan ang una kong naisip. Malamang ay namamalik-mata lang ako. Medyo lumapit ako ng kaunti... at natigilan ako. Nakikita na ng dalawa kong mata pero hindi ko pa rin magawang maniwala. Ikaw ang nasa loob ng kotse, at may kahalikan na ibang lalaki.
Ni hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang narinig ko pa atang unti-unting nabasag ang puso ko. Di na ako lumapit pa, sapat na ang nakita ko. Maliwanag naman sa akin kung ano yung nangyayari e, kung ano yung ginagawa mo.
Niloko mo ako, yun lang yun. Isang taong akong naniwala na mahal mo ako. Ibinigay ko na ang lahat para sa iyo, ang buong buhay ko, pero binalewala mo lang. Sana di mo na pinatagal ng ganito. Gusto kong sanang makaganti kahit papano, pero di ko kayang gawin. Gusto ko sanang ipadama ang sakit na nararamdaman ko.
Pero hindi ko kaya... mahal pa rin kita.
"Ikaw ang buhay ko, sa iyo umiikot ang buong mundo ko," kaya lang may isang problema... wala ka na e. Paano pa ako mabubuhay kung ang lahat ng pinaniniwalaan ko ay isa pa lang malaking kalokohan?
Dumeretso ako sa aking kwarto nang maka-uwi na ako. Pagod na ako sa kakaiyak.
Naupo ako sa kama.
Paano pa ko mabubuhay kung ang taong bumubuhay sa akin ay wala na? Makasarili na ung makasarili, pero yan ang katotohanan. Sana pag nagkita mo ang gagawin ko, pagsisihan mo ang ginawa mo.
Paalam...
Unti-unti kong naramdaman ang agos ng dugo sa aking pulso.
may 5 na adik na naki-party:
okaaay.. that was sad man. boohoo.
but the ending was pretty morbid.. rarr. :p
anyway, it was nice. i liked it. another masterpiece from master rowlp! :P
Sabi ni Joyce kaninang
8:38 PM
woah.. i liked it!! may i have a copy of it?.. it was really nice and.. just can't get enough of it.. :P thanks and let me know! ü
Sabi ni Mel dela Pena kaninang
7:52 PM
Kawawa naman. Lungkot pa. =..(
All rolled into one.
Sabi ni
8:36 AM
hey ralph, i came across your blog from a friend's blog. cool layout! pa turo naman how to do it! :)
Sabi ni Unknown kaninang
4:45 PM
Huwaaaaaaaaaaa!
I can feel your pain. Pinagpalit nya ko. 2 weeks ago? or 2 time? ang sakit. =(