Rate this site!
4.11.2006
Intern Na Ako!


OK! So it's official... intern na ako! wahehehe =P Anak ng pucha at napakahirap... nung sunday, 24hr duty ako.. langya sakto toxic pa hehe.. pero asteg, di ko akalain na ganito ka-astig ang internship. Totohanan na to e, isang mali mo lang, pwedeng buhay na ang kapalit kaya hindi na pwede yung "Sige, ok na yan... di naman mahahalata ni ma'am yan e, sayang yung bonus points!" na attitude. Kung kailangang uliting ng labinlimang beses dahil lagi di ka marunong gumawa ng tamang cell suspension, uulitin mo... kung kinulang yung blood ng patient na gagamitin para sa test, kailangang kunan ulit.

Di lang dami ng trabaho ang dahilan kng bat nagiging toxic... andyan pa minsan ang mga pasyente na pasaway, or worse, mga bantay ng pasyente na pasaway. Hehehe, yung mga tipong galit na galit sa'yo darating ka pa lang... Syempre, protocol, kailangan i-explain kung anu ang kahindik-hindik na gagawin mo sa pasyente... kukuha ng onting dugo for the tests... kadalasan naman mabait yung mga pasyente o ang mga bantay nila, pero malas mo pag mataray na yung pasyente, mas mataray pa yung bantay! haha sasampolan ka ng mga ganitong linya, "Kukunan na naman ng dugo!? E kanina lang kinunan na rin siya/ako ng dugo a. Iba pa ba yun!? At para san naman yan ngayon ha? Tusok na lang kayo ng tusok ng karayom, e mabuubusan na ng dugo yung pasyente bago pa kami makaalis dito!", parang... Hello!? Aanhin naman namin yung dugo nila bukod sa pang-test? Nyahaha di naman siguro gagawin yun ng trip trip lang e... at pag nilabas mo na yung syringe, ay nako! world war 3 na! pero para sa kanila lang.. hehe bawal kami magalit sa kanila e.. kaya ang da best way para makaganti? Smile ka lang! =) hahaha mas nakaka-asar pero mabait pa rin ang itsura mo.

Pero kahit ganun, hindi mo rin magagawang magalit talaga sa kanila kasi nag-aalala lang naman din sila e... talagang kontrabida lang ang dating ng taong may lahing bampira hehehe...

Internship pa lang to, pano pa kaya pag totoong medtech na? Hindi naman ako nagrereklamo masyado, actually natutuwa nga ako sa pagka-toxic niya e... mas masaya na yung ganito kesa yung araw araw libro kaharap mo... memorize ng memorize ng kung anu-ano... tapos pagdating sa hospital, makikita mo... ayun may table na naka-paste sa working station... parang "What da pak!? Matapos ko memorizin yan.. eto may kodigo naman pala!?" Hehe =) Mas masaya sa hospital na talagang alam mong nakakatulong ka =P Actually, swerte namin kasi sa government hospital kami napunta at talagang may gawa kami... yung ibang interns, walang gawa... puro paperworks daw... taga-abot ng ganito, taga-file ng ganyan... taga-sulat ng ganun... hehe yung ibang interns nga daw, ni hindi man lang makapag-venipuncture dun... hanggang prick lng pinapa-gawa sa kanila... so talagang mahahasa ang skills mo pag ganitong laging toxic =) anyweiz... tagal ko na pala di nagsulat dito hehe ok lang, la na naman ata nagbabasa na maxado... Sana mas madalas na ko makapag-blog kahit mas busy na ngayon... at naguuwian pa ko now from POC w/c is nasa QC to San Pedro, Laguna... ayos noh? haha goodluck na lang sa akin =P



may 6 na adik na naki-party:

asti ka RB! haha nice one!

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 12:13 PM
 

<== jaja's comment here==>
sa una lang naman mahirap kc naninibago ka sa environment, sa nature ng ginagawa mo at mga kasama mo pero kapag nasanay ka naman kahit nakapikit ka kaya mo yan.

Sabi ni Blogger JoLoGs QuEeN kaninang 1:41 PM
 

haha korek!once ure in the medical field onting pagkakamali mo lang pede ka makapatay ng tao..kaya ndi pede ung "pwede na to" or "bahala na" ryt?..ge,god bless and goodluck sa internship mo..:)

Sabi ni Blogger im_ynaffit kaninang 4:47 PM
 

hello! oo nga, masaya maging intern ng public hospital kasi talagang madami kang gagawin.. natapos ko na nga yung internship ko sa ospital eh.. enjoy nga! ^_^

sa resthome naman ako isasabak ng skwela namin.. anyii. O_o

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 12:34 PM
 

kahit ndi kta kilala, nakakatuwang basahin un blog mo. :)

Sabi ni Anonymous Anonymous kaninang 10:26 AM
 

congrats congrats! goodluck sa career! =D

Sabi ni Anonymous pinoyslife.com kaninang 12:36 AM
 

Post a Comment
<< Back

The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Beyond -by jamo| |Love Talk| |Kalokohan| |Basag...| |Torpedo Blues| |Ang Barkada... BOW.| |Usapang Noypi| |Reunion (Maingay na Pag-iisip Take 3)| |Basted Ba?| |An Untitled Song|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online