Reunion (Maingay na Pag-iisip Take 3) |
---|
Siguro first time kong mag-susulat na positive naman yung dating haha. Sobrang masaya lang ako ngayon kasi happy ako (ano daw!?).
I met up with my high school friends kanina sa Manong's (sa filinvest alabang near the driving range, ganda nung place) para mag-reunion ang medsci 41. Sayang lang hindi naka-punta ang marami dahil sa iba't-ibang rason pero ok lang din kasi mejo madami-dami na rin kami. Andun si Miggy, Mike, Mimi, Timoy, AZ, Pibz, Imee, Rose, Ivan (na may glitters pa ang t-shirt), Wendy, Leigh, Anne, Shine and ang pinaka-favorite kong kaklase nung HS... si Nica!
Mejo badvibes ng konti kasi late na ko dumating dahil sa napaka-husay kong kapatid, nalimutan ko na birthday pala ng utol ko sa araw na iyon kaya hindi ako pinayagan maka-alis agad at kinailangan kong manood ng Star Wars kasama ang aking ka-pamilya.
Tamang kwentuhan, tamang inom at tamang crowd. Saktong-sakto ang timpla para sa isang masaya't kawili-wiling reunion. Sa wakas, nabuhay na naman muli ang Batch 03 Medsci Dos! Nakaka-miss din pala ang mga mokong na ito kasi dalawang taon ko rin silang naging kaklase (gumawa sila ng petition na wag na i-jumble ang medsci 1 and 2). Ngayon ko lang na-realize kung gaano ko sila na-miss. Pero talagang aliw na aliw ako kay Nica kasi umiinom na siya ngayon ng beer. Tandaan ko kasi noong 3rd yr outing namin, pina-sip namin si Nica ng beer, unang tagay lang for the sake of pakikisama. Halos masuka na si Nica kahit wala pa atang 1mL ang naiinom niya, ang panget daw kasi ng lasa. Pero kanina, grabe... san mig strong ice pa!!! UP Diliman, ano ginawa niyo!!? Mga bad influence talaga kayo!!! ( joke lang hehe).
Wala kaming ginawa kung hindi uminom, magtawanan, magkwentuhan at mag-joke time. Taena namiss ko talaga yung joke time... ang talino ni Mike sa joke time e pucha walang patid, tuloy-tuloy lang kahit wala nang natatawa! Reminisce lang kami ng mga old times, mga laftrips sa classroom, mga pipol at ang kanilang mga "trademarks" at mga happenings noong highschool kami sa bene. Pati mga walang kwentang bagay tulad nung time na pinapunta ni Mrs. Monzon (aming class adviser at chem teacher nung 3rd year) si Lei Mark sa prefect's office kasi inuuga daw niya yung OHP (overhead projector, para sa di nakaka-alam), ang kaso niya? "Making an earthquake" Wow pare hebigats, buti hindi siya na-expel (bwahahaha).
Sobrang sarap talaga kasama ng Medsci pamilya ko. Ang sarap ng pakiramdam na alam mong ang mga taong kasama mo ay kakilala ka talaga at hindi masyadong conservative pag-dating sa mga jokes at trips at nag-eenjoy sa mga walang katuturang bagay... di tulad ng mga kaklase ko ngayon (no offense sa mga kaklase ko ngayon, mahal ko rin kayo... mas mahal ko nga lang sila nyahaha).
Hindi na muna ako mag-lalagay ng kahit na anong problema o kadramahan sa artik na ito para maiba lang. Break muna sa aking pag-aadik sa problema. Pero meron akong ginagawang artik na ganun ulit ang tema (haha walang magagawa, adik nga e). I love my Medsci pamilya at sobrang masaya ako kasi natuloy ang reunion at madami rin ang nakapunta. Sama maulit at mapa-dalas ang mga lakad naming ganito, next time outing na naman and this time, wag hayaang umakyat ng puno si Timoy and Mimi!!
Basted Ba? |
---|
Normal na sa atin ang panliligaw. Sa bansa natin, tila naka-ukit na ito sa ating kultura. Napaka-importante nito dahil dito mo mas makikilala ng lubusan ang pagkatao ng babaeng gusto mo. Sa pangliligaw mo lang din maipapakita na seryoso ka sa kanya at maipadama ang nararamdaman mo para sa kanya. Mahirap ang panliligaw, magastos at nakaka-pagod pero nagiging worth it ang lahat pag naging kayo na. Pag nakamit mo ang matamis na "oo", tara inuman tayo. "Cheers!"
Pero paano kung nabulilyaso? Imbes na ang matamis na "oo", ang narinig mo ay ang masalimuot at mapait na "Hindi kita gusto", o di kaya ang malupit na "I'm not yet ready to enter a serious relationship", o kaya ang pinaka-paborito ng lahat, ang "Let's just be friends." Ang sakit diba? Ano na gagawin mo ngayon?
Ops, teka lang bro, bago mo i-setup yang lubid sa kisame at magpa-tiwakal patapusin mo muna ako.
Hindi naman masama ang masaktan, normal lang yun. HIndi naman kasi biro ang ginawa mong pag-tatapat at panunuyo sa kanya. Ginawa mo na ang lahat ng makakaya mong gawin para mapa-sagot siya. Sumagot naman siya e... hindi nga lang yung gusto mong sagot. Wala na tayong magagawa kung hindi ang mag-move on.
Napakadaling sabihin pero mahirap gawin, kaso yun lang ang magagawa mo. Hindi ito pag-suko dahil tandaan mo, sinubukan mo na kung kaya ka rin niyang mahalin kaya lang hindi talaga siya ang para sa iyo.
Tandaan mo lagi ang dalawang katagang ito na paulit-ulit na nating naririnig. "Hindi pa tapos ang lahat" at "Marami pa namang iba jan." Malamang iniisip mo ngayon, "E iba siya dude, iba siya sa mga babaeng nakilala ko... siya lang ang minahal ko ng ganito, blah blah blah," at kung anu-ano pang mga kakornihan na napulot mo ata sa kakapanood ng mga telenovela. Maniwala ka sa akin, expert ako pag-dating sa pagiging basted. Ngayon lang yang nararamdaman mo. Makalipas ang ilang buwan, malamang may bago ka na namang prospect at sasabihin mo ulit lahat ng ka-eklatan na sinabi mo noon.
Wag na wag mong hayaan na mawala ang iyong tiwala sa sarili dahil sa kabiguan mo. Sabi nga ni Chito sa kantang First Day Funk, "Confidence chong... lakas loob, wag na wag kang patataob." Dapat take this like a man (naks).
"Beauty is in the eye of the tiger" este "beholder" pala (hehe patawa). Malay mo kinabukasan ma-meet mo rin ang babaeng para sa iyo. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Isipin mo kung ano ang nagawa mong mali para hindi mo na uulitin sa susunod na manligaw ka ulit. "Learn from your mistakes and grow."
Basta dude, tandaan mo lang na ang panliligaw dinadaan sa tiyaga at hindi sa pagpapasikat (haha feeling magaling e noh?). Kaya natin 'to, hindi na uso ang gwapo, nadadaan na ang lahat sa charisma at pambobola (hehe joke lang).
Kung talagang hindi ka naniniwala sa mga pinag-sasabi ko, wag kang mag-patiwakal makalat yan, maawa ka naman dun sa taong maglilinis noh!? Mamamatay ka na lang, mag-kakalat ka pa. Sumali ka na lang sa seminaryo, balita ko malakas ang appeal ng mga seminarista sa mga babae (hahaha).
An Untitled Song |
---|
Ginawa ko ito nung 4th year highschool pa ko. Wala akong maisip na melody e so hanggang ngayon poem pa rin siya kahit title wala akong maisip e. Anyway... naisip ko lang i-post kasi wala pa akong post na English (yung ako talaga nag-sulat). Sana magustuhan ng mga tao.
There were questions in my mind
And there were things i wish to find,
But everything became clear
All because you are here.
At first I was confused
For my heart has been battered and abused,
Now all my wounds are going to heal
Because of the love you made me feel.
Maybe I'm just dreaming
But I can no longer hide what I'm feeling
There's only one thing I can do,
And that is to say "I love you."
Now I'm singing this song for you
To let you know how much I love you
Everything I've confessed is true
So please tell me you love me too.
Lapis |
---|
Nung gradeschool ako, madalas akong pumunta ng guidance office. Hindi naman sa lagi akong may kasalanan o malaking problema, pwede kasing mang-hiram ng mga board games dun e. Sa dalas ng punta ko dun, may isang poster na kumuha sa atensyon ko. Isang litrato ng batang nag-susulat at ang linyang, "Everybody makes mistakes, that's why pencils have erasers."
Talagang tumatak sa isipan ko ang mga salitang iyon. Tama nga naman, lahat ng tao nag-kakamali, kahit nga mga pari nag-kakaron din ng kasalanan paminsan-minsan e.
Walang taong perpekto, alam ng lahat yan.
Pero bakit kaya napaka-hirap mag-patawad?
Bakit kaya mahirap kalimutan ang kamalian ng iba?
Guilty ako dun. May mga pagkaka-taon na talagang napakatagal bago ko mapatawad an isang tao. Kadalasan naman kasi kung ano ang bagay na ikinasasama ng loob ko, yun at yun pa rin ang inuulit-ulit niya. Walang katapusang away-bati, away-bati, pero ganun pa rin, uulitin pa rin ang kasalanan. Minsan naiisip ko pag-nasosorry na naman siya, "E pucha sorry ka na naman ng sorry tapos uulitin mo rin naman pagkatapos ng ilang araw."
Di ba't nakakasawa na ang magpakumbaba? Di ba't ang hirap lunukin ang pride para lang kalimutan ang kasalanan sa iyo? Pero parang nag-sosorry lang siya just for the sake na walang gulo pero hindi niya itinatatak sa utak nia kung ano ang kasalanan niya.
Hindi masama ang pagiging mapagpasensya sa mga pagkakamali.
Pinapapurihan ang mga taong nagpapatawad sa mga nagkakaron ng atraso sa kanya.
Maganda rin ang mensahe nung poster na nakita ko, pero may nakalimutan silang sabihin.
"Ang papel, nasisira at nabubutas pag sumobra na ang pag-bura sa mga mali ng lapis."
E-pal |
---|
At dahil sa isang tao na nag-tag sa tagboard ko, na-inspire akong magsulat sa aking blog... salamat sayo, kung sino ka man (hehe).
Maganda ang creative criticism. Ako kung merong mga bagay na hindi maganda na napapansin ko sa kaibigan ko, sinasabi ko sa kanya pero syempre in a nice way. Open din ako sa mga ganun... gusto kong sinasabi sa aking ang mga kamalian ko, kung kaibigan ko kasi sila hindi nila hahayaan ipagpatuloy ko ang kung anumang kamalian iyon.
Ang hindi ko maintindihan e yung mga taong tinatawag na "epal" o kaya'y "epaloid" (hehe) galing sa word na "ma-papel" (oist totoo to a). Yun yung mga tipo ng tao na walang masabing matino yung hindi mo kinakausap pero sumasabat. Hindi lang yun, sila yung tipo ng tao na hindi mo naman kilala talaga, at hindi mo naman tinatanong e patuloy pa rin sa pagiging ma-papel at sumisingit sa mga usapan.
Pasensya na, isa sa mga paniniwala ko kasi sa buhay ay ito, "Kung wala kang masasabing matino, wag ka na lang mag-salita."
Kung may problema sana sila, sabihin nila kung ano yun hindi yung nagiging epal sila't pati mga bagay na walang kinalaman sa problema nila tulad ng isang picture, text o blog e sinasama nila. Ano ba naman yung maging proud ka sa isang bagay na nagawa mo diba? Kesa yung mga tao na fishing for compliments, sasabihin nila, "Nako lagot ako sa quiz natin sa (major subject) hindi pa naman ako nakapag-aral." Pero alam ng buong bayan na laging matataas ang nakukuhang grado ng taong yun kahit na hindi DAW siya nakapag-aral o di kaya'y nag-sasabing, "Ang gulo nung lay-out na nagawa ko, paki-tignan nga, panget ba?" Yun ang mga fishing.
Hindi naman ako nagsabi na parang nag-mamayabang na timang, "Oist, bisita kayo dito ang ganda ng ginawa ko walang binat-bat yung sayo!" Ngayon yan ang tinatawag na "mahangin na epal" (hehe).
Tama na nga ito, (hehe) kung ayaw mo sa ginawa kong "pag-mamayabang", pasensya na... ang pag-kakaalam ko kasi mga kaibigan ko lang sinabihan ko e. Kung na-aliw rin kayo (tulad ko) sa layout, salamat sa pag-bisita, kung hindi naman... ok lang din hehe at least tinignan niyo. Basta wag tutularan yung EPAL. Peace! Walang pikunan (hehe).