Bakit Kaya? |
---|
Bakit ba ang mga magulang pag pinagbawalan ka na gawin ang isang bagay di nagbibigay ng rason kung bakit?
ANAK: "Ma/Pa, punta lang ako sa mall, magkikita kita lang kami ng mga kaibigan ko"
ANAK: "Ma/Pa, may concert sa school, paborito kong banda yun e, pwede ba kong manood?"
MAGULANG: "HINDI!"
ANAK: "Baket po?"
MAGULANG: "Mas marunong ka pa sa min, basta hindi!"
Di ba parang nakakainis? Hindi naman porket tinanong mo kung ano ang dahilan e mangangatwiran ka na kailangan mo talagang pumunta sa kung saan man ang lakad mo. Di ba nila naiisip na gusto lang na malaman ng anak kung ano ang rason kung bakit hindi siya pinapayagan? Pwede naman sabihing, "Anak kaya hindi pwede kasi medyo mababa mga grades mo ngayon." o kaya "Anak miss ka lang namin, sa susunod ka na lang makipag-kita ulit sa mga kaibigan mo". Mahirap bang mag-bigay ng rason sa anak? Oo, pinagbabawalan tayo kasi ayaw nilang may masamang mangyari sa tin at ito ang nakabubuti sa atin, pero porke ba magulang sila at anak lang ang kausap nila ay hindi na nila kailangan magpaliwanag sa mga anak na kadalasan ay hindi maintindihan kung bakit yun ang naging desisyon nila?"
Ang Aking English Teacher... (BOW) |
---|
Diba ang english at literature ay isang minor subject? Laaalong lalo na kung nasa medicine course ka. Yah sure, kelangan mo sha kasi diba, english is the universal language and i got no prob regarding that. Isa lang ang problema, put*ng *nang prof ang napunta sa amin. Biruin mo, ang napakadaling subject e humihirap... e mas madali pa ang mga major subjects namin kesa sa mga exams nia. Isa pa, di sia nakikinig sa mga comments, or in that case... kahit na anong sabihin ng mga estudyante nia.
*Example #1*
Nagquiz kami about the IPA system (ung mga symbols na ginagamit para ipakita kung paano ipronounce ang isang word). Ang suggestion namin e kalahati ng quiz e xa ang magbibigay ng IPA form tapos kami ang sasagot kung anong word yun. Ayaw makinig, kahit pagbigyan man lang ayaw. E kung ung prof namin sa chem e napapakiusapan pagdating sa naming ng organic compounds, sha hindi matinag. Nag quiz na... Ang isa sa mga words, WASHROOM paano mo sabihin yan? Di ba... "whash rum" yan e kung maarte ka at dapat proper ang iyong accent. E ang lintik na prof ang pag-pronounce e "wooosh rum". E ok pala e, ang ending, bagsak ang 95% sa class... maswerte na yung mga pasang awa... Shempre violent reactions di lang tungkol sa washroom pero sa iba pang words na kasama sa quiz nia haha e talo ko pa ang nakipag-debate sa dingding e. Leche... palibhasa abnormal ang nguso...
*Example #2*
Discussion about a poem. Ang lecheng prof, tumatawag ng 20 estudyante para i-discuss ang dalawang linya.. take note, DALAWANG LINYA ng isang 6 stanza poem. Matapos ang napaka-tagal na explanation, wala siyang i-coconsider na tama sa aming mga interpretations sa lintik na two lines na yun. Tapos, ieexplain nia ang two lines na yun kung paano nia naintindihan na malalaman mo rin na parehong pareho kayo ng sinabi, ang pinagkaiba lang... xa ang nagsabi. LECHE! Tuloy-tuloy hanggang matapos ang poem ganun ang scenario na ang kadalasang nangyayari.. yun 6 stanza poem ay tumatagal ng isang linggong discussion. Isa pa, maswerte ka kung maikli ang poem pero the same problem, halos tawagin na ang buong klase para mag-explain ng poem, wala pa ring tatanggapin. Sinabi na nga namin sa kanya "Ma'am sunod-sunod na lang po ung mga students na magrecite" ang nasa isip namin, tutal ganun din ang ending, ang sagot ng magiting na prof "No, that would take long" E ok pala sia e. Matatapos ang discussion, ang interpretation ng poem ganito... "Naglalaro kami ng mga kalaro ko... ako ang taya, nakita ko sila kaya hinabol ko, tumalon silang lahat sa bangin" what da pak is dat!?
Ganyan lagi ang scenario sa araw araw na may pasok... walang ka-kwenta kwentang teacher sa isang ka-enga-enganyo sanang subject. Oo sige, mas magaling siya sa kin, prof sia e, di naman sia magiging prof kung bobo sya, ang problema... tanga nga lang... sayang lang sa pera. Yan ang english teacher ko, tanga pero hindi bobo. BWAHAHAHA
College life... SUCKS! |
---|
Nung una, di ko ipagkaka-ila na excited ako mag-college. Shempre, new crowd, new image, panibagong simula. Pwede mo ipakilala ang sarili mo sa kung ano ang gusto mong makilala nilang ikaw na walang nag-jujudge kasi di ka naman nila kilala noon. Pwede mo gawin ang kahit anong gusto mo kasi technically, adult ka na, lalo na pag-nagdodorm ka, nakow kahit anong katarantaduhang gawin mo, walang ka muwang-muwang ang mga magulang mo. Araw araw inuman, lakwatsa... sa madaling salita, MASAYA! Pero mukhang nagkamali ako.
UST BS Medtech. Ang yabang pakinggan, Bachelor of Arts in Medical Technology. Pag may nakakausap ako at sinabi ko kung ano ang kurso ko sa uste ang laging sagot "wow, talino naman, mahirap makapasok dyan a... hirap ba?", bah, malay ko ba? Di naman importante kung gusto mo ang kurso mo diba? ang kailangan lang naman e meron kang mapapasukang school at may sapat na perang pang-enroll diba? Mali ka jan, at mali din ako sa paniniwalang ok lang yun, pero ano ba magagawa ko? Di ko naman kasi talaga alam kung ano ang gusto ko. Nung unang araw ng pasok, nakipag-kilala sa ilan sa mga kaklase, mukhang OK naman sila, mabait meron pang maganda. Tapos dumaan ang guidance counselor, nagpakilala sabi daw mag-activity kami para makilala ang isa't isa... isa isa tumatayo, pa-ingles pa ang pagpapakilala. "Hi my name is ______. I graduate from ______. The reason I chose to be a medtech is ______." Yan puro ganyan, biglang ako na, pag tayo ko tanong agad sa prof "Ma'am OK lang ba kung mag-tagalog ako? Ang gagaling nila mag-english e di ko kaya yun e." Tawa mga kaklase ko, akala nila nagbibiro ako. "Hello mga classmate, ako pala si Ralph Carmen, graduate ng San Beda Alabang. Kaya ako nagmedtech, di ko alam, yabang pakinggan e..." Tawa na naman sila, ano ba ko running joke time? Di nila alam na seryoso ako sa sinasabi ko, nakangiti lang ako kasi ganun talaga ako. O diba ang saya? Wala naman ako talagang pakialam sa kung ano iniisip ng mga kaklase ko tungkol sa kin, isa lang ang pinaka-ayaw ko sa kanila, ako ang basehan nila kung mababa ang grado nila, kung delikado ba sila, parang ako ang comfort pag mababa ang nakuha nila. Isang beses nung ibinigay ang result namin sa Botany may lumapit na kaklase sa kin, isang dakilang GC (grade conscious) kong kaklase. "Ei Ralph, ilan nakuha mo?" Kitang kita sa mukha niya ang takot at lungkot. Sagot ako na parang wala lang kasi nasanay ako sa bene na cool lang kahit bagsak o mababa ang nakuhang marka. "Uh, 50 out of 100, pasang awa lang" At eto ang sinagot ng gago, "Talaga? Pasado ka? Shit, ang baba ko pala kung ganun, 60 lang ako e" E gago pala siya e, so parang pag pumasa ako, madali ang test at dapat e abot langit ang taas ng grado mo? Hay... ganyan daw talaga ang college life, iba't ibang uri ng tao ang makikilala mo. Ang mga manyak na panay chansing sa mga kaklase, ang mga gago na nag-iinuman araw araw at mas gusto pa ang mag-lasing at mag-lakwatsa kesa ang pumasok na siyang buong akala ng mga magulang nila na yun ang ginagawa. Mga nerds na ang akala mo'y mamamatay na sa pagkasabik sa mga bagong libro ng Trigo, Histology at Calculus.
Napaka-hirap ng college life ko, 2nd year pa lang ako pero masasabi kong andami ko nang napag-daanan. At hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ang gusto kong kurso, yung masasabi kong talagang hilig ko. Ang bano ba? Pasensya na tao lang, kasalanan ba ang mahirapang alamin kung ano ba talaga ang nag-papasaya sa kin? Pano kung sinabi kong nag-papasaya sa kin e ang pag-punta sa antipolo para maka-tulong sa mga retreat ng mga HS student? Pano kung sabihin kong nagpapasaya sa kin ang pakikipag-halubilo sa ibang tao? Dapat ba maghanap ako ng kurso na papantay dun sa nagpapasaya sa kin? E pano kung di ko gusto na yun ang maging future ko? Ang hirap diba? Siguro masasabi kong I'm still in the process of discovering who I am and who I want to be, kahit na 2nd year college na ko, kasalanan ba yun?
This is me... |
---|
Sino nga ba ako? Siguro kung ako ang tatanungin mo, masasabi kong wala talagang nakakakilala kung sino talaga ako o kung meron man e mabibilang ko lang sa mga daliri ko. Oo sige, alam mo kung ano ang paborito kong pagkain, hilig sa musika o kung pano ako manamit pero kung tatanungin kita, ano ang maiisip mo? Malamang parang ganito, "Ah si Ralph? Nako, maloko yan e. Hilig magpatawa parang walang pake sa mundo." pero sigurado ka ba na ako ang tinutukoy mo? Siguro wala talagang nakakakita kasi tinatago ko, kung pano ako umiyak, kung pano masaktan at kung pano magpakumbaba sa mga oras na alam kong naka-sasakit na ko ng damdamin ng iba. I can't blame them kasi yun naman ang nakikita nila, yun ang alam nila about me but there has been nobody who really came to know who I really am, they don't know that underneath all the smiles and laughter that they see is a person who is struggling to fit in, struggling to be accepted without changing the way I act around people. A person who cries at night trying to find out what's wrong with his life, and keeps on thinking about the stupid mistakes that he made that cost him more than what he had bargained for. I am a clown who's heartache and sorrow is hidden in his smile. I reach out to those who I have met in my life, please understand that this is not just a pathetic attempt for you to pity me. This is just my way of telling you who I am, a melodramatic fool that's too stubborn to understand that life is an endless cycle of heartache and sorrow.