Rate this site!
3.23.2005
Kwento Ko


Panibagong umaga, heto na naman ako, nag-aayos. Akala mo kung san pupunta, papasok lang naman sa eskuwelahan. Habang naglalakad, napapangiti... "Yes! Makikita't makakasama na naman kita!", yan ang nasa isipan ko.

Pag pasok sa classroom, ayun ka, nakaupo kasama ang mga kabarkada mo, masayang nagkukwentuhan. Ang ganda mo talaga. Bawat kilos mo pinapanaood ko, pasulyapsulyap para hangaan ang kagandahan mo. "Liligawan kita, balang araw.", yan ang lagi kong bigkas sa sarili pero pag kaharap ka, nakakalimutan ko na ang lahat, natutuliro, natotorete.

"Hi. Kamusta na?", napakadaling sabihin pero pag nagmimistula akong pipi na hindi makapag-bigkas ng ni-isang salita. Sumisigaw ang puso ko, "Mahal kita! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagtitiyagang gumising ng maaga para makita agad kita. Naririnig mo ba ako? Mahal kita!".

Lunch break na, nag-iisa ka lang kasi inutusan yung mga kabarkada mo nung isang prof natin. Pagkakataon ko na ito, baka sakaling mapansin mo na rin ako. "Uy, gusto mo sabayan na kitang kumain para di ka mag-isa?" Tatanggihan niya ako, bakit siya papayag? Napaka-feeling ko talaga tangina! Tumingin ka sa akin saka ngumiti, "Talaga sasamahan mo ko? Ang bait mo naman. Salamat." Di ako makapaniwala, di na ako nakasagot. Gusto kong magtatalon sa tuwa, sa wakas magkakasama tayo! Tayong dalawa lang! Siguro may naisagot din ako nung pumayag ka kasi naglalakad na tayo palabas ng campus.

Pumasok tayo sa Jollibee. "Manlibre ka naman jan!", sabay ngiti sa akin. Kahit ano bibilhin ko basta para sayo! "Kapal mo a, ano ka sinuswerte?". Bawal ipahalata na gusto kita, minsan lang ang pagkakataon na ito. Di pa ito ang tamang oras para malaman niya. Nagkuwetuhan tayo habang kumakain, grabe ang bait mo talaga nakakatawa ka pa. Matapos kumain inalok pa kita ng isang choco sundae, "Libre ko." Kahit na sinasabi mo na wag na kasi nakakahiya sa akin, bumili pa rin ako.

Sabay tayong bumalik sa campus, derechong pumasok sa classroom. "Napa-aga ata tayo, wala pang tao e.", sabi mo habang nilalagay ang bag sa upuan. "Onga noh, buti na lang kasama kita.", naku patay! Ang bobo ko talaga! Bat ko sinabi yun? Bistado na ko, baka kung ano isipin nun! Paabot ng lubid para magbigti na ko dito. "Oo nga e, at least may makakausap ako na kumportable akong kasama." Pwede na kong mamatay. Tinabihan mo ako sa kinauupuan ko, bumilis ang tibok ng puso ko, kabadong-kabado. Ano gagawin ko? Kailangan mag-salita, wag kang tatanga-tanga diyan, magsalita ka, kahit ano!

"Gusto kita." Anak ng!? Ano yun? Sa dinami-dami ng pwedeng sabihin bat yun pa? Ganun na ba ka-grabe ang nararamdaman ko para sayo at parang di ko na kayang itago? "I like you too, masarap kang kasama. Natuwa nga ako nung inaya mo ako mag-lunch e, akala ko hindi mo na ko kakausapin." Natulala ako, totoo ba ito? Baka naman nagkamali lang ako ng rinig. Hindi, napakalinaw ng sinabi niya. Mahal kita, napakatagal ko nang hinantay ang panahon na ito.

Unti unti mong nilapit ang iyong mukha sa akin. Ang ganda mo talaga. Wala na akong pakialam sa ibang bagay, basta ang alam ko mahal kita. Di ko na kayang pigilan ang damdamin ko. Pinikit ko ang aking mga mata at unti unti ring lumapit sa iyo.

"Kkkrrreeeennngggg!!!", biglang tumunog ang alarm clock ko. Idinilat ko ang aking mga mata, alas-sais na pala ng umaga. Dahan-dahan akong bumangon sa kama.



The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Sampung Bagay na Ayaw ko sa Manila| |Intern Na Ako!| |Beyond -by jamo| |Love Talk| |Kalokohan| |Basag...| |Torpedo Blues| |Ang Barkada... BOW.| |Usapang Noypi| |Reunion (Maingay na Pag-iisip Take 3)|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online