Sampung Bagay na Ayaw ko sa Manila |
---|
1 - Trapik
Oo... ang nakakabanas na trapik. Gigising ka ng napaka-aga para hindi ma-late sa klase kasi kulang na lang ay bigyan ka ng medalya sa dami na ng pagkakataon na ikaw ay nahuling pumasok. 10:00am ang first class mo, umalis ka ng bahay ng 8am.. dalawang oras ang palugit... YES! siguro naman before mag-alas dies nandun ka na... kaso sa kasawiang palad... may isang tsuper na sumalpok sa "Safety barricade" (bigyang pansin ang quotation marks). PATAY! Dumating ka sa classroom ng alas-onse... sobrang excited ang prof mo na makita ka... sa sobrang tuwa nia ay sinalubong ka pa niya ng lumilipad na eraser.
2 - Holdaper
Wow bago cellphone! Kung nasa maynila ka, nakupo.. wag na wag kang magkakamali na ilabas yan habang naglalakad... lalo na sa may españa. Unless sobrang bait mo at namimigay ka lang talaga ng libreng cellphone buwan-buwan dahil sa dami ng mga holdaper. Modus operandi: Aakbayan ka na lang bigla manunutok ng toothpick este icepick pala, at sabay ibubulong sayo ang mga katagang sadyang kay tamis, "Wag kang kikilos, holdap to... lagay mo sa bag yung cellphone pati wallet mo." Kung may mas malupit sa mga holdaper, sila naman ang mga snatcher.
3 - Snatcher
Bakit kamo mas malupit ang snatcher? Isipin mo na lang... May importante kang kausap sa telepono, kunwari... nakikipagtalo ka sa girlfriend mo kasi nagagalit siya dahil late ka na naman sa inyong date pero ang totoo ay maaga kang gumising, nadali ka lang talaga ng trapik. Nang biglang may isang lalaking ubod ng liksi... sa isang iglap naiwan ka na lang na nakatanga... ang masaklap pa, kadalasan ang mga ganitong mga "athletes" ay gago rin... itetext lahat ng mga kaibigan mo sa phonebook ng kung anu anong kalokohan at kabastusan.. pag naka-line ka naman.. nako mas masaklap dahil ipantatawag nila ito sa kung kani-kanino sa mga bansang ngaun mo lang din narinig.
4 - Polusyon
Nung isang araw may isang mag-ina akong nakasabay sa bus galing san pedro papuntang lawton... siguro mga alas-sinko ng umaga ng makarating kami sa may taft ave. Napansin kong may kakaibang kislap ang mata nung bata na sa aking palagay ay ngaun pa lang nakarating ng maynila... sabi nia "Ma, malamig siguro sa labas, may fog o!" Natawa na lang ang nanay nia pero hindi na nagsalita... kawawang bata, ang hindi nia alam, na ang tinutukoy niang "fog" ay ang rason kung bat may kakaibang kulay ang sipon ng mga manileño. Grabe talaga ang polusyon sa maynila... sa palagay ko ay kathang isip na lamang ang mga katagang "Malinis at sariwang hangin." Isama mo na ang baho ng mga nakatambak na basura na kumakapit pa sa damit mo. Tila walang labang ang "Downy" banlaw ni nanay sa halimuyak ng katas ng pagmamahal ng mga lintik na nagtatapon ng basura sa kung saan-saan.
5 - Baha
Opo, baha. Ewan ko ba kung anong klase ng drainage system ang maynila at kasing epektibo ito ng butas na payong sa gitna ng bagyo. Kulang na lang ay ideclare na resort ang buong maynila tuwing tagulan. Sakto, may iba't ibang depth ng tubig baha na pwede lubluban. Minsan mababa lang ang tubig baha na pwede pang lusungin ng hindi ka madudumihan pero pag sinamahan mo ng mga gagong driver... ayan na.
6 - Mga Driver
Hindi ko naman sila nilalahat. Pero bilang isang commuter... hassle para sa akin ang mga iresponsable at sadyang nakaka-banas na mga tsuper. Yung mga tipong walang ibang mundo bukod sa loob ng kotse nila. Walang pakielam sa iba. Sa may dapitan side ng UST, madalas bumaha... pero ito kasi ang isa sa mga popular spots ng paligid ng uste dahil madaming kainan... solve na sana ang mga studyante na nakasilong sa karampot na bubong sa may gate entrance... nang sa isang iglap may isang kotse na haharurot sa harap nila... ang ending? Ang mga kawawang estudyante, nabasa ng kulay brown na tubig baha ang kanilang mga puting uniporme.
7 - Kurakot na Pulis
Ayan a, specific ako dito... mga kurakot na pulis. Kailangan ko pa bang i-explain kung anong klaseng mga salot ang mga ganitong tao? Sa sobrang lantaran na kakurakutan nila, kahit ang batang sampung taong gulang ay marunong mag-abot ng P100 sa pulis. Mag-ingat dahil baka mapagtripan ka lang nila.
8 - Kahirapan
Alam ko na ang buong Pilipinas ay naghihirap.. pero palagay ko ang sentro nito ay ang Maynila. Naglipana ang mga taong natutulog sa bangketa. Mga batang di na ata alam kung ano ang salitang "pagkain" o di kaya "ligo". Nakakalungkot... pero totoo.
9 - Adik
Opo, ayaw ko sa kanila dahil madami akong alam na kasong napagtripan lang ng adik. Lahat sila ngayon ay nasa kabilang buhay na.
at ang ika-sampu ay...
10 - Maganda
Ang labo noh? Ayoko sa Maynila dahil sa maganda siya. Oo... malaki ang ipinagbago ng itsura ng Maynila. Punta ka sa Baywalk.. sa paligid ng Roxas. Di ba't ang ganda na? Pero sa kabila nito, hindi pa rin naayos ang lahat. Parang panakip-butas lamang ang mga magagandang fountains at magagarang ilaw sa mga kapintasan ng lungsod.Siguro balang-araw... siguro maayos din ang lahat, pero sa ngayon... mas masaya ako na nakatira sa south...
Intern Na Ako! |
---|
OK! So it's official... intern na ako! wahehehe =P Anak ng pucha at napakahirap... nung sunday, 24hr duty ako.. langya sakto toxic pa hehe.. pero asteg, di ko akalain na ganito ka-astig ang internship. Totohanan na to e, isang mali mo lang, pwedeng buhay na ang kapalit kaya hindi na pwede yung "Sige, ok na yan... di naman mahahalata ni ma'am yan e, sayang yung bonus points!" na attitude. Kung kailangang uliting ng labinlimang beses dahil lagi di ka marunong gumawa ng tamang cell suspension, uulitin mo... kung kinulang yung blood ng patient na gagamitin para sa test, kailangang kunan ulit.
Di lang dami ng trabaho ang dahilan kng bat nagiging toxic... andyan pa minsan ang mga pasyente na pasaway, or worse, mga bantay ng pasyente na pasaway. Hehehe, yung mga tipong galit na galit sa'yo darating ka pa lang... Syempre, protocol, kailangan i-explain kung anu ang kahindik-hindik na gagawin mo sa pasyente... kukuha ng onting dugo for the tests... kadalasan naman mabait yung mga pasyente o ang mga bantay nila, pero malas mo pag mataray na yung pasyente, mas mataray pa yung bantay! haha sasampolan ka ng mga ganitong linya, "Kukunan na naman ng dugo!? E kanina lang kinunan na rin siya/ako ng dugo a. Iba pa ba yun!? At para san naman yan ngayon ha? Tusok na lang kayo ng tusok ng karayom, e mabuubusan na ng dugo yung pasyente bago pa kami makaalis dito!", parang... Hello!? Aanhin naman namin yung dugo nila bukod sa pang-test? Nyahaha di naman siguro gagawin yun ng trip trip lang e... at pag nilabas mo na yung syringe, ay nako! world war 3 na! pero para sa kanila lang.. hehe bawal kami magalit sa kanila e.. kaya ang da best way para makaganti? Smile ka lang! =) hahaha mas nakaka-asar pero mabait pa rin ang itsura mo.
Pero kahit ganun, hindi mo rin magagawang magalit talaga sa kanila kasi nag-aalala lang naman din sila e... talagang kontrabida lang ang dating ng taong may lahing bampira hehehe...
Internship pa lang to, pano pa kaya pag totoong medtech na? Hindi naman ako nagrereklamo masyado, actually natutuwa nga ako sa pagka-toxic niya e... mas masaya na yung ganito kesa yung araw araw libro kaharap mo... memorize ng memorize ng kung anu-ano... tapos pagdating sa hospital, makikita mo... ayun may table na naka-paste sa working station... parang "What da pak!? Matapos ko memorizin yan.. eto may kodigo naman pala!?" Hehe =) Mas masaya sa hospital na talagang alam mong nakakatulong ka =P Actually, swerte namin kasi sa government hospital kami napunta at talagang may gawa kami... yung ibang interns, walang gawa... puro paperworks daw... taga-abot ng ganito, taga-file ng ganyan... taga-sulat ng ganun... hehe yung ibang interns nga daw, ni hindi man lang makapag-venipuncture dun... hanggang prick lng pinapa-gawa sa kanila... so talagang mahahasa ang skills mo pag ganitong laging toxic =) anyweiz... tagal ko na pala di nagsulat dito hehe ok lang, la na naman ata nagbabasa na maxado... Sana mas madalas na ko makapag-blog kahit mas busy na ngayon... at naguuwian pa ko now from POC w/c is nasa QC to San Pedro, Laguna... ayos noh? haha goodluck na lang sa akin =P
Beyond -by jamo |
---|
Share ko lang yung poem na ginawa ni jamo. Para sa kin daw hehe ang ganda, asteg. Salamat Omay... luv yah! =)
How does it feel to dance
with you under the moonlight?
How does it feel to wrap my arms
around you and hold you tight?
How does it feel to look
and gaze into your eyes?
How does it feel to kiss you
and reach beyond the skies?
I have longed for this day
wished and dreamt for this moment
To say "I love you, too"
to the one whom fate has always sent
I have loved before
but my heart broke into pieces
Now my life is renewed
'Cause you have filled it with kisses
I love you so much
and I thank you for giving me
Another reason to live,
my soul you have set free
Though I can never tell
how long we'll be together,
In my heart, I believe
our love will endure forever..
*fo'rabeca*
-joyceanne
Love Talk |
---|
Siguro lahat naman sa atin na-involve na sa isang relationship. Di ba ang sarap ng pakiramdam na alam mong may isang tao na kinokonsidera kang special sa kanya? Araw-araw ka-text, kausap, kachat, kakulitan, kakwentuhan... kasama. Yun yung mga araw na nag-papasalamat ka na nakilala mo siya. Yun yung mga araw na ipinapanalangin mo na sana wag na matapos.
Pero hindi pwede yun e... sa pelikula lang ang "happily ever after". Darating din kayo sa punto na mag-aaway kayo. Darating ang mga problema na susubok sa samahan niyo. Dito nakikita kung totoo ang relationship niyo. Dito makikita kung talagang mahal niyo ang isa't-isa. Ang lahat ng relationship ay may mga di pakakaunawaan. Walang matatawag na perfect relationship, lahat naman tayo may mga di magandang katangian at minsan yun ang dahilan ng mga away. Dapat dito ipupundar ang pag-mamahal mo. We like someone because of the good things we see in them but we truly love them for their flaws.
Ang bawat problema na dumarating sa buhay niyo as a couple ang magpapatibay o sisira sa inyong pagsasama. Hindi importante kung malaki o maliit ang mga problemang ito, ang mahalaga ay kung ilang beses kayo bumangon ulit at pinatunayan sa lahat na kahit anong mangyari ay mahal niyo pa rin ang isa't isa.
Kalokohan |
---|
"Ikaw ang buhay ko." Ilang beses ko na ring nasabi yan sayo. Paulit-ulit, sa bawat oras na mag-kasama tayo, ipinaparamdam ko kung gaano kita kamahal. Tandang-tanda ko pa nga nung una kitang naka-usap, tinutukso pa nga ako ng mga kabarkada ko kasi alam nilang may gusto ako sayo. Di mo lang siguro alam, pero halos mamatay na ako sa nerbyos kasi di ko malaman kung ano ang sasabihin o ikikilos ko. Buti na lang at napaka-bait mo, nawala yung kaba na nararamdaman ko nung araw na yon.
Di nag-tagal, naging magkaibigan din tayo. Halos araw-araw tayo kung mag-usa. Minsan sa telepono o kaya naman puro text. Isang beses pa nga halos halughugin ko na yung buong bahay para lang maka-hanap ng pera na pang-load para lang makapag-reply sa iyo.
Araw-araw, unti-unting nahulog ang puso ko. "Mahal kita, ikaw ang buhay ko." Yan ang sinabi ko nung araw na ipag-tapat ko ang nararamdaman ko para sa iyo. "Sa iyo umiikot ang mundo ko." Buong tapang kong ibinuhos ang lahat ng gusto kong sabihin nung araw na iyon. Niligawan kita, at di naman ako nabigo. Sobrang saya ko nung sabihin mong mahal mo rin ako.
Anibersaryo na nating ngayon, isang taon na tayong magka-sama. Pinag-handaan ko ang araw na ito. Planadong-planado na ang lahat. Ang usapan natin ay magkikita tayo ng alas-nuebe kasi sabi mo mayroon kang importanteng lakad nung hapon, pero gusto sana kitang surpresahin kaya't naisipan kong sunduin ka sa bahay mo para pag-dating mo andun na ako. Dadalhin kita sa bahay namin kung saan nag-handa ako para makapag-celebrate tayo ng una nating taon na magkasintahan. Lahat ng paborito mo, sinikap kong maisama sa handa. Pag-katapos nun ay pupunta tayo dun sa lugar kung saan mo ako sinagot.
Magaalas-siete pa lang nung dumating ako sa harap ng bahay niyo. Lalapit na dapat ako sa gate ninyo para mag-doorbell nang may napansin ko ang isang kotse sa tapat nito. "Parang may mali..." yan ang una kong naisip. Malamang ay namamalik-mata lang ako. Medyo lumapit ako ng kaunti... at natigilan ako. Nakikita na ng dalawa kong mata pero hindi ko pa rin magawang maniwala. Ikaw ang nasa loob ng kotse, at may kahalikan na ibang lalaki.
Ni hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang narinig ko pa atang unti-unting nabasag ang puso ko. Di na ako lumapit pa, sapat na ang nakita ko. Maliwanag naman sa akin kung ano yung nangyayari e, kung ano yung ginagawa mo.
Niloko mo ako, yun lang yun. Isang taong akong naniwala na mahal mo ako. Ibinigay ko na ang lahat para sa iyo, ang buong buhay ko, pero binalewala mo lang. Sana di mo na pinatagal ng ganito. Gusto kong sanang makaganti kahit papano, pero di ko kayang gawin. Gusto ko sanang ipadama ang sakit na nararamdaman ko.
Pero hindi ko kaya... mahal pa rin kita.
"Ikaw ang buhay ko, sa iyo umiikot ang buong mundo ko," kaya lang may isang problema... wala ka na e. Paano pa ako mabubuhay kung ang lahat ng pinaniniwalaan ko ay isa pa lang malaking kalokohan?
Dumeretso ako sa aking kwarto nang maka-uwi na ako. Pagod na ako sa kakaiyak.
Naupo ako sa kama.
Paano pa ko mabubuhay kung ang taong bumubuhay sa akin ay wala na? Makasarili na ung makasarili, pero yan ang katotohanan. Sana pag nagkita mo ang gagawin ko, pagsisihan mo ang ginawa mo.
Paalam...
Unti-unti kong naramdaman ang agos ng dugo sa aking pulso.
Basag... |
---|
Napaka-tagal na nating magkakilala. Grade 5 pa tayo nung huli tayong naging magkaklase, dun din tayong unang nagkakilala at naging malapit na mag-kaibigan. Nung high school, mejo nagkalayo tayo dahil sa mga barkadang kinapa-bilangan. Bihira na tayong magkapag-usap pero lagi tayong nagpapalitan ng mga ngiti pag nagkikita tayo. Noon pa man, crush na kita.
Nag-kataong iisa ang napasukan nating kolehiyo at parehas pa ng kurso.
Unang araw ng klase, para akong tangang naliligaw sa campus. Halos malibot ko na ang buong building para mahanap ang classroom ko.
Pag-pasok ko sa classroom, natulala na lang ako sa aking nakita. Andun ka, nakaupo sa may likuran habang pinagmamasdan ang ating mga kaklase na nagkakahiyaang mag-usap. Nakita mo ako at kinawayan, parang tumalon ang puso ko, tinabihan kita sa iyong kinauupuan. "Oi, kamusta na?" Syempre pa-cool lang ako para di halata pero ang totoo, nagtutumbling na ako sa tuwa. "Akalain mong magkaklase tayo? Ang galing noh?" Tadhana to! Ikaw ang binigay ni Superfriend sa akin! Naaninag ko ang iyong napaka-gandang ngiti at ika'y sumagot, "Oo nga e, tagal na nating di nag-uusap a, di mo na kasi ako pinapansin after ng grade school days natin e." Hindi na lang ako sumagot pero ang totoo, natotorpe lang ako noon, mahal kita e, umiwas ako dahil ayokong malaman mo.
Wala tayong ginawa kundi mag-kwentuhan tungkol sa mga masasaya't malulungkot na mga pangyayaring pinagdaanan natin nung magkaklase pa tayo. Bata pa tayo noon pero alam ko nang mahal kita. Hanggang ngayon ganun pa rin ang nararamdaman ko. May mga taong nasaktan ko rin dahil hindi ko sila kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Pinaalala mo sa akin kung ba't kita nagustuhan. Ang iyong malambing na boses, ang mga mata mo na parang natutunaw ako pag nakikita ko. Matalino't maganda ka at napaka-mabait pa kaya di nakakapag-takang napaka-daming nagkagusto at nanligaw sayo.
Natapos ang araw natin ng hindi man lang maalala ang mga pangalan ng mga kaklase at profs natin dahil nakatuon lang ang atensyon natin sa isa't-isa.
"Uy, pwede mo ba akong samahan dun sa park dun sa likod?" Yan ang sinabi mo pagkatapos ng klase. Natural pumayag ako, pag-kakataon ko na rin itong masabi sayo na mahal kita noon pa man. Hindi ako nag-mahal ng iba dahil ikaw lang ang babaeng gusto ko. Habang nag-lalakad tayo'y unti-unti kong binubuo sa isipan ko ang gagawin kong pag-tatapat sayo. Nag-iipon ako ng lakas ng loob para masabi ang lahat ng yun sa iyo. Ipagsisigawan ko sa buong mundo na minamahal kita. Wala nang hahadlang sa akin dahil desidido na akong ipagtatapat ko na ang pagmamahal ko sayo.
Pagdating natin sa park, tila may hinahanap ka. Bigla ka na lang dali-daling tumakbo nang makita mo na yata ang hinahanap mo. Hinawakan mo pa ang aking kamay para isama ako sa pupuntahan mo at medyo napangiti naman ako.
Isang lalaking naka-upo sa bench ang aking nakita. Inakap mo siya at hinalikan sa pisngi. Parang kilala ko yang lalaking yan pero ayokong maniwala. Kitang-kita ko ang saya sa iyong magagandang mga mata, "Uy, siya nga pala ang boyfriend ko magtu-two years na kami, magkakilala kayo diba?"
Hindi na lang ako nag-salita. Pinilit kong ngumiti pagkatapos ay gumawa ng alibi para maka-alis na.
Oo kilalang-kilala ko yan... siya ang bestfriend ko.
Torpedo Blues |
---|
Naranasan mo na bang ma-torpe? Yung tipong nasa harap mo na't lahat, hindi mo pa magawang kausapin o batiin man lang siya. Para kang tanga na nakatunganga lang at hindi makakibo. Kung ganun nga, edi ayos... pareho tayo ng problema.
May kanya-kanya tayong mga dahilan kung bakit tayo natotorpe, meron diyan na nahihiya lang talaga, meron namang mga walang lakas ng loob, pero ang pinaka-madalas na rason ay ang fear of rejection o kaya e yung mga ayaw masira ang pagkakaibigan.
Yan ang lagi kong nararamdaman kaya kadalasan iniisip ko, "Friends na lang, at least dito mas safe. Nakakasama't nakaka-usap ko siya ng walang problema." Tapos darating ang araw na mapapalapit din siya sayo at magiging magbespren pa paminsan. Matutuwa ka naman, "Siguro mas madali ko nang masasabi sa kanya ngayon." Nang biglaan na lang, maiinlab siya sa iba, ikukwento pa niya ang mga kilig moments nila hanggang sa araw na maging sila na, at tatanungin ka pa, "Di ka ba masaya para sa amin?" Ikaw naman, tulala... sasagot ng, "Oo naman, syempre noh!" pero ang katotohanan, sabog ang mundo mo... para kang binagsakan ng Titanic sa bigat ng nararamdaman mo dahil nanghihinayang ka sa hindi mo pag-amin.
Pag sinabi mo naman yung nararamdaman mo, ganito ang scenario. Aaminin mo ang pag-mamahal mo sa kanya, "Alam mo, gusto talaga kita... hindi lang as a friend ang tingin ko sayo, espesyal ka sa kin." (ang baduy haha) Tuwang-tuwa ka naman dahil sa wakas, nailabas mo rin ang matagal mo nang itinatago nang biglang mapansin mong hindi siya kumikibo. Napatungo lang siya at nagsabing, "Sorry, pero I don't feel the same way e, I don't even find you interesting." (aray ko po!) Pagkatapos ay tila, nakalimutan na niya na nabubuhay ka sa mundong ito. Hindi ka na niya kinakausap. Hindi ka na niya pinapansin. Hindi na siya nag-papasama sayo pag may kailangan siyang bilhin. Hindi ka na niya nakikita. Magsisisi ka na lang na sana hindi ka umamin para hindi siya na-ilang dahil napaka-ganda ng pagkakaibigan niyo noon.
Mahal ko siya, pero hindi ako mag-tatapat. Itatago ko na lang sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko na lang sasabihin, mas ok na yung ganito at least sigurado akong hinding-hindi niya ako iiwan. Kahit na mainlab pa siya sa iba, ipagdarasal ko na lang na magbreak agad sila (nyahahaha ang sama ng ugali). Mahal kita pero natatakot ako sa mga pwedeng mang-yari. Gusto kong sabihin sayo ang lahat pero ayokong masira ang pag-kakaibigan natin. Pabiro na lang ang mga hirit ko, sana marinig mo.