Rate this site!
5.21.2006
Sampung Bagay na Ayaw ko sa Manila


1 - Trapik
Oo... ang nakakabanas na trapik. Gigising ka ng napaka-aga para hindi ma-late sa klase kasi kulang na lang ay bigyan ka ng medalya sa dami na ng pagkakataon na ikaw ay nahuling pumasok. 10:00am ang first class mo, umalis ka ng bahay ng 8am.. dalawang oras ang palugit... YES! siguro naman before mag-alas dies nandun ka na... kaso sa kasawiang palad... may isang tsuper na sumalpok sa "Safety barricade" (bigyang pansin ang quotation marks). PATAY! Dumating ka sa classroom ng alas-onse... sobrang excited ang prof mo na makita ka... sa sobrang tuwa nia ay sinalubong ka pa niya ng lumilipad na eraser.

2 - Holdaper
Wow bago cellphone! Kung nasa maynila ka, nakupo.. wag na wag kang magkakamali na ilabas yan habang naglalakad... lalo na sa may españa. Unless sobrang bait mo at namimigay ka lang talaga ng libreng cellphone buwan-buwan dahil sa dami ng mga holdaper. Modus operandi: Aakbayan ka na lang bigla manunutok ng toothpick este icepick pala, at sabay ibubulong sayo ang mga katagang sadyang kay tamis, "Wag kang kikilos, holdap to... lagay mo sa bag yung cellphone pati wallet mo." Kung may mas malupit sa mga holdaper, sila naman ang mga snatcher.

3 - Snatcher
Bakit kamo mas malupit ang snatcher? Isipin mo na lang... May importante kang kausap sa telepono, kunwari... nakikipagtalo ka sa girlfriend mo kasi nagagalit siya dahil late ka na naman sa inyong date pero ang totoo ay maaga kang gumising, nadali ka lang talaga ng trapik. Nang biglang may isang lalaking ubod ng liksi... sa isang iglap naiwan ka na lang na nakatanga... ang masaklap pa, kadalasan ang mga ganitong mga "athletes" ay gago rin... itetext lahat ng mga kaibigan mo sa phonebook ng kung anu anong kalokohan at kabastusan.. pag naka-line ka naman.. nako mas masaklap dahil ipantatawag nila ito sa kung kani-kanino sa mga bansang ngaun mo lang din narinig.

4 - Polusyon
Nung isang araw may isang mag-ina akong nakasabay sa bus galing san pedro papuntang lawton... siguro mga alas-sinko ng umaga ng makarating kami sa may taft ave. Napansin kong may kakaibang kislap ang mata nung bata na sa aking palagay ay ngaun pa lang nakarating ng maynila... sabi nia "Ma, malamig siguro sa labas, may fog o!" Natawa na lang ang nanay nia pero hindi na nagsalita... kawawang bata, ang hindi nia alam, na ang tinutukoy niang "fog" ay ang rason kung bat may kakaibang kulay ang sipon ng mga manileño. Grabe talaga ang polusyon sa maynila... sa palagay ko ay kathang isip na lamang ang mga katagang "Malinis at sariwang hangin." Isama mo na ang baho ng mga nakatambak na basura na kumakapit pa sa damit mo. Tila walang labang ang "Downy" banlaw ni nanay sa halimuyak ng katas ng pagmamahal ng mga lintik na nagtatapon ng basura sa kung saan-saan.

5 - Baha
Opo, baha. Ewan ko ba kung anong klase ng drainage system ang maynila at kasing epektibo ito ng butas na payong sa gitna ng bagyo. Kulang na lang ay ideclare na resort ang buong maynila tuwing tagulan. Sakto, may iba't ibang depth ng tubig baha na pwede lubluban. Minsan mababa lang ang tubig baha na pwede pang lusungin ng hindi ka madudumihan pero pag sinamahan mo ng mga gagong driver... ayan na.

6 - Mga Driver
Hindi ko naman sila nilalahat. Pero bilang isang commuter... hassle para sa akin ang mga iresponsable at sadyang nakaka-banas na mga tsuper. Yung mga tipong walang ibang mundo bukod sa loob ng kotse nila. Walang pakielam sa iba. Sa may dapitan side ng UST, madalas bumaha... pero ito kasi ang isa sa mga popular spots ng paligid ng uste dahil madaming kainan... solve na sana ang mga studyante na nakasilong sa karampot na bubong sa may gate entrance... nang sa isang iglap may isang kotse na haharurot sa harap nila... ang ending? Ang mga kawawang estudyante, nabasa ng kulay brown na tubig baha ang kanilang mga puting uniporme.

7 - Kurakot na Pulis
Ayan a, specific ako dito... mga kurakot na pulis. Kailangan ko pa bang i-explain kung anong klaseng mga salot ang mga ganitong tao? Sa sobrang lantaran na kakurakutan nila, kahit ang batang sampung taong gulang ay marunong mag-abot ng P100 sa pulis. Mag-ingat dahil baka mapagtripan ka lang nila.

8 - Kahirapan
Alam ko na ang buong Pilipinas ay naghihirap.. pero palagay ko ang sentro nito ay ang Maynila. Naglipana ang mga taong natutulog sa bangketa. Mga batang di na ata alam kung ano ang salitang "pagkain" o di kaya "ligo". Nakakalungkot... pero totoo.

9 - Adik
Opo, ayaw ko sa kanila dahil madami akong alam na kasong napagtripan lang ng adik. Lahat sila ngayon ay nasa kabilang buhay na.

at ang ika-sampu ay...

10 - Maganda
Ang labo noh? Ayoko sa Maynila dahil sa maganda siya. Oo... malaki ang ipinagbago ng itsura ng Maynila. Punta ka sa Baywalk.. sa paligid ng Roxas. Di ba't ang ganda na? Pero sa kabila nito, hindi pa rin naayos ang lahat. Parang panakip-butas lamang ang mga magagandang fountains at magagarang ilaw sa mga kapintasan ng lungsod.

Siguro balang-araw... siguro maayos din ang lahat, pero sa ngayon... mas masaya ako na nakatira sa south...



The Blogger


name: ralph bernard carmen
age: 20
sex: male
school: SBC-A(hs), UST
course: bs medtech
about me: mahilig mangulit, minsan tahimik lang, minsan naman sobrang lakas ng topak na akala mo e sampung gramo ng shabu ang tinira, minsan sensitive or caring, minsan sobrang gago...


|View My Profile|
|Join me on Friendster!|

Yahoo: rbcarmen

The Site

maraming mga bagay ang dumadampi sa ating isipan, mga katanungan at kasagutan na nais nating iparinig sa sangkatauhan, ito ang aking paraan ng pagpaparinig... basahin mo ang nilalaman ng isipan ko, at baka sakaling ikaw ay maaliw at magtanong, "anong droga ang tinira nito?"

Best Viewed at 800x600 using Microsoft IE6+

Wishes

iPod
PS2
New PC
Laptop
New Phone
Digicam
World Peace
Makita si Darna

Recent Posts

|Sampung Bagay na Ayaw ko sa Manila| |Intern Na Ako!| |Beyond -by jamo| |Love Talk| |Kalokohan| |Basag...| |Torpedo Blues| |Ang Barkada... BOW.| |Usapang Noypi| |Reunion (Maingay na Pag-iisip Take 3)|

Archives

|09.2004| |10.2004| |12.2004| |01.2005| |03.2005| |04.2005| |05.2005| |06.2005| |08.2005| |12.2005| |01.2006| |04.2006| |05.2006|

Links

| KC Yah | Cathy | Kuya Noy | Kuya Ben | Cla | Ate Pia | Kuya Goks | Dane | Daryll | Kuya Mike | Kuya Deneb | Kuya Caloi | Ate Val | Aena-Aena | Ate Bart | Ate Irma | Joyce | Hanee | Roxy | Melai | Julz | Paola | Pammy | Clarisse | Jans | Jerisan | Michi | Sheena | Christine | Mayleen | Adeline | Dax | Sol | Issa | Ayesha | Mia | Angel | Isha | KJ | Fia | Chel | Vizzie | Kirsty | Timoy | Neslea | Plinteta | Lisa | Tin | Kaith | Cha | Shona | Hanna | April | Kristina | Katri | Leah | Mon | Michelle | Val | Miggy | Tricia | Moneh | M.A. | Anne | Meanne | Frances | Shen | Janna | Esther | Gail | Andrea | Thea | Pen | Mich | Jeanette | Erin | Brenda | Pauline | Agsie | Leihana | Thian | Shen | Giannina | Gjimel | Ria | Mel | Raine | Jaja | Risha | Vmsm | Yasu | Gray | Reisha | Cez | Krisha | Mara | China | Cathie | Bianca | China | Veron | Blle | Teenah



A Pinoy Blogger



© rOwLp08
Some Rights Reserved
Your Lucky No. Is:

online