Basag... |
---|
Napaka-tagal na nating magkakilala. Grade 5 pa tayo nung huli tayong naging magkaklase, dun din tayong unang nagkakilala at naging malapit na mag-kaibigan. Nung high school, mejo nagkalayo tayo dahil sa mga barkadang kinapa-bilangan. Bihira na tayong magkapag-usap pero lagi tayong nagpapalitan ng mga ngiti pag nagkikita tayo. Noon pa man, crush na kita.
Nag-kataong iisa ang napasukan nating kolehiyo at parehas pa ng kurso.
Unang araw ng klase, para akong tangang naliligaw sa campus. Halos malibot ko na ang buong building para mahanap ang classroom ko.
Pag-pasok ko sa classroom, natulala na lang ako sa aking nakita. Andun ka, nakaupo sa may likuran habang pinagmamasdan ang ating mga kaklase na nagkakahiyaang mag-usap. Nakita mo ako at kinawayan, parang tumalon ang puso ko, tinabihan kita sa iyong kinauupuan. "Oi, kamusta na?" Syempre pa-cool lang ako para di halata pero ang totoo, nagtutumbling na ako sa tuwa. "Akalain mong magkaklase tayo? Ang galing noh?" Tadhana to! Ikaw ang binigay ni Superfriend sa akin! Naaninag ko ang iyong napaka-gandang ngiti at ika'y sumagot, "Oo nga e, tagal na nating di nag-uusap a, di mo na kasi ako pinapansin after ng grade school days natin e." Hindi na lang ako sumagot pero ang totoo, natotorpe lang ako noon, mahal kita e, umiwas ako dahil ayokong malaman mo.
Wala tayong ginawa kundi mag-kwentuhan tungkol sa mga masasaya't malulungkot na mga pangyayaring pinagdaanan natin nung magkaklase pa tayo. Bata pa tayo noon pero alam ko nang mahal kita. Hanggang ngayon ganun pa rin ang nararamdaman ko. May mga taong nasaktan ko rin dahil hindi ko sila kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Pinaalala mo sa akin kung ba't kita nagustuhan. Ang iyong malambing na boses, ang mga mata mo na parang natutunaw ako pag nakikita ko. Matalino't maganda ka at napaka-mabait pa kaya di nakakapag-takang napaka-daming nagkagusto at nanligaw sayo.
Natapos ang araw natin ng hindi man lang maalala ang mga pangalan ng mga kaklase at profs natin dahil nakatuon lang ang atensyon natin sa isa't-isa.
"Uy, pwede mo ba akong samahan dun sa park dun sa likod?" Yan ang sinabi mo pagkatapos ng klase. Natural pumayag ako, pag-kakataon ko na rin itong masabi sayo na mahal kita noon pa man. Hindi ako nag-mahal ng iba dahil ikaw lang ang babaeng gusto ko. Habang nag-lalakad tayo'y unti-unti kong binubuo sa isipan ko ang gagawin kong pag-tatapat sayo. Nag-iipon ako ng lakas ng loob para masabi ang lahat ng yun sa iyo. Ipagsisigawan ko sa buong mundo na minamahal kita. Wala nang hahadlang sa akin dahil desidido na akong ipagtatapat ko na ang pagmamahal ko sayo.
Pagdating natin sa park, tila may hinahanap ka. Bigla ka na lang dali-daling tumakbo nang makita mo na yata ang hinahanap mo. Hinawakan mo pa ang aking kamay para isama ako sa pupuntahan mo at medyo napangiti naman ako.
Isang lalaking naka-upo sa bench ang aking nakita. Inakap mo siya at hinalikan sa pisngi. Parang kilala ko yang lalaking yan pero ayokong maniwala. Kitang-kita ko ang saya sa iyong magagandang mga mata, "Uy, siya nga pala ang boyfriend ko magtu-two years na kami, magkakilala kayo diba?"
Hindi na lang ako nag-salita. Pinilit kong ngumiti pagkatapos ay gumawa ng alibi para maka-alis na.
Oo kilalang-kilala ko yan... siya ang bestfriend ko.
Torpedo Blues |
---|
Naranasan mo na bang ma-torpe? Yung tipong nasa harap mo na't lahat, hindi mo pa magawang kausapin o batiin man lang siya. Para kang tanga na nakatunganga lang at hindi makakibo. Kung ganun nga, edi ayos... pareho tayo ng problema.
May kanya-kanya tayong mga dahilan kung bakit tayo natotorpe, meron diyan na nahihiya lang talaga, meron namang mga walang lakas ng loob, pero ang pinaka-madalas na rason ay ang fear of rejection o kaya e yung mga ayaw masira ang pagkakaibigan.
Yan ang lagi kong nararamdaman kaya kadalasan iniisip ko, "Friends na lang, at least dito mas safe. Nakakasama't nakaka-usap ko siya ng walang problema." Tapos darating ang araw na mapapalapit din siya sayo at magiging magbespren pa paminsan. Matutuwa ka naman, "Siguro mas madali ko nang masasabi sa kanya ngayon." Nang biglaan na lang, maiinlab siya sa iba, ikukwento pa niya ang mga kilig moments nila hanggang sa araw na maging sila na, at tatanungin ka pa, "Di ka ba masaya para sa amin?" Ikaw naman, tulala... sasagot ng, "Oo naman, syempre noh!" pero ang katotohanan, sabog ang mundo mo... para kang binagsakan ng Titanic sa bigat ng nararamdaman mo dahil nanghihinayang ka sa hindi mo pag-amin.
Pag sinabi mo naman yung nararamdaman mo, ganito ang scenario. Aaminin mo ang pag-mamahal mo sa kanya, "Alam mo, gusto talaga kita... hindi lang as a friend ang tingin ko sayo, espesyal ka sa kin." (ang baduy haha) Tuwang-tuwa ka naman dahil sa wakas, nailabas mo rin ang matagal mo nang itinatago nang biglang mapansin mong hindi siya kumikibo. Napatungo lang siya at nagsabing, "Sorry, pero I don't feel the same way e, I don't even find you interesting." (aray ko po!) Pagkatapos ay tila, nakalimutan na niya na nabubuhay ka sa mundong ito. Hindi ka na niya kinakausap. Hindi ka na niya pinapansin. Hindi na siya nag-papasama sayo pag may kailangan siyang bilhin. Hindi ka na niya nakikita. Magsisisi ka na lang na sana hindi ka umamin para hindi siya na-ilang dahil napaka-ganda ng pagkakaibigan niyo noon.
Mahal ko siya, pero hindi ako mag-tatapat. Itatago ko na lang sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko na lang sasabihin, mas ok na yung ganito at least sigurado akong hinding-hindi niya ako iiwan. Kahit na mainlab pa siya sa iba, ipagdarasal ko na lang na magbreak agad sila (nyahahaha ang sama ng ugali). Mahal kita pero natatakot ako sa mga pwedeng mang-yari. Gusto kong sabihin sayo ang lahat pero ayokong masira ang pag-kakaibigan natin. Pabiro na lang ang mga hirit ko, sana marinig mo.
Ang Barkada... BOW. |
---|
Naalala mo pa ba ang HS barkada mo? Siguro naman oo ang sagot mo diyan (unless loner ka nung HS at kinasusuklaman ang pakikipag-kaibigan sa kanila).
Sa dinami-dami ng pinagdaanan mo sa buhay, ang kadalasang kasama mo jan ay ang barkada mo. Sa hirap at ginhawa... parang pangalawang pamilya na yan e. Pag may problema sa pamilya, ang takbuhan mo... barkada. Pag may problema sa skul, ang ka-damay mo... barkada. At kung bulilyaso at isinumpa ang iyong love life, ang ka-inuman mo... barkada. Laging nandyan kahit anong mangyari, oo sige... minsan nagkaka-tampuhan, nag-aaway din. Pero diba't parang isang normal na pamilya lang din yun? Hindi naman maiiwasan ang di pagkakaintindihan e, ang importante ay yung pagkatapos ng bawat gulo, andyan pa rin kayo para sa isa't-isa.
Sa UST, sobrang nangungulila ako sa barkada ko. Hindi ako makahanap ng grupo na katulad nila kaya nga nung nag reunion kami ng HS barkada ko nung Monday e sobrang saya ko. Kumpleto (halos, wala kasi si Mac² e) ang barkada. Nakita ko kung ano yung kulang sa akin sa college ngayon kung kaya sobrang inis na inis ako sa buhay. Wala ang pangalawang pamilya ko. Ang mga taong tinanggap ako kung sino ako, at alam akong mahal talaga ako at tinuturing akong kaibigan, walang backstabban, kaya kong ipagkatiwala ang buhay ko at higit sa lahat, WALANG PLASTIKAN! Kung may ayaw sila sa akin na ginagawa ko, sinasabi nila ng harap-harapan, hindi yung patalikod kung lumaban.
At dahil kanina pa ko nagta-type pero wala nang maisip isulat.
Ipapakilala ko ang barkada ko, isa-isa in no particular order. Si Timoy da laber boy, halimaw sa talino at fellow blogger. Si Jere na medyo moody pero masaya kasama. Si Pau na laging na-api sa amin ni Don at Mac pero hindi napipikon (badtrip di talaga mapikon). Si Don na masasabi kong pinaka-kaclose ko sa grupo (literal kasi siya pinakamalapit sa bahay namin e). Si Mac² na cheerdancer na, PS2 adik pa (grabe, connected yun a.. cheering, ps2... sapul!). Si Chloe, ang probinsyanong paiba-iba ng cellphone at laging nag-uupgrade ng PC. Si Cris na after 3 years ko lang ulit nakita pero napaka-ganda at kikay pa rin. Si Cel na sobrang game sa gimik pero di pupunta (buti na lang pumunta siya nung Monday hehe). Si Kat, ang gimikera at fashionistang nurse at ang dalawang bunso ng grupo, si Cuy² na maliit at cute pero p*t@ng !n@ sa lakas mang-hampas (masaket sobra!!!), at si Jhong na mukhang bata, isip bata pero kilos matanda. Walang pangalan ang barkada namin (tingin kasi namin kabaduyan lang yun) pero mahal namin ang isa't-isa at hinding-hindi namin ipag-papalit ang panahon na nagkakilala kaming lahat.
Kahit kailan, alam kong andyan sila palagi para matakbuhan pagdating sa problema, at makasama pagdating sa gimikan kaya sobrang hinahanap-hanap ko sila dahil alam kong hindi ako makaka-kilala ng mga katulad nila. Hindi na ako aasa na makikilala ako ng lubusan ng mga kasama ko ngayon kasi naka-semento na sa utak nila kung ano at sino ang AKALA nilang ako.
Kahit kailan, walang ibang papalit sa barkada ko (oo na, kanina ko pa sinasabi to pero yun lang naman ang talagang nararamdaman ko e), sila ang masasabi kong mga tunay na kaibigan na may pakielam sa buhay mo.
Nag-iisang bagay lang naman kasi ang pinaniniwalaan namin... walang iwanan.
Usapang Noypi |
---|
Siguro parang re-post ito, same topic as nung dati kong ginawa e... anyweiz.Nagkaroon ako kanina ng panahon para magmuni-muni at tulad ng dati, iniisip ko kung ano kaya ang naging buhay ko kung iba ang sitwasyon... kaya ibabalik ko ang napakahiwagang tanong na siyang pinagsisimulan ng napakadaming debate...
"Gusto niyo pa bang maging Pinoy?"
Ako kasi, parang ayaw ko na. dati rati sobrang ugali ko "Hinde! Kahit anong pa mangyari gusto ko pa rin maging Pinoy! Meron pang pag-asa ang pinas basta baguhin lang ang ugali ng mga politiko." Pero ngayon naiisip ko, "Tama ata ang mga kababayan natin na nag-migrate." Mahal ko ang Pilipinas pero hindi lahat ng mga Pilipino katulad natin na mahal ang Pinas. Madami ang sinasabi lang yan pero tignan mo kung san nagbabakasyon? Sa ibang bansa imbes na sa magagandang lugar dito sa Pinas. Ang ating presidente, di ko na malaman kung pagkakatiwalaan ba siya o puro pangbubulsyet lang sinasabi niya.
Alam naman lahat ng pilipino na may katiwalian pero bakit natin kinukunsinte? Pag pinara tayo ng pulis, automatic na aabutan natin ng pang-lagay. Sa mga opisina, para maproseso agad ang papeles mo, naghahanda ng pang-lagay. sa LTO, para mas mabilis maprocess ang kung ano man ang sadya mo dun, dapat mag-lagay. Alam naman nating bawal pero kinukunsinti natin. Kung hindi naman tayo magpapa-uto e mawawalan ng mang-uuto. kung walang nag-lalagay, walang nango-ngotong. Madali sabihin, alam ko yan pero bat di natin simulan sa sarili natin diba? Pride na lang ang meron tayo e, sana lang wag natin ibasura.
Gusto ko maging Pinoy, pero ayaw ko nang tumira sa Pinas. Kung pwede lang aalis na ko ngayon at pupuntang London o kung san mang bansa na matino ang pamamalakad ng gobyerno, pero merong pumipigil sa kin kasi alam kong napakalaking bahagi ng pagkatao ko ang maiiwan dito sa Pinas. Sana lang may magbago kahit paunti-unti lang para hindi mawalan ng pag-asa tayong mga Pinoy.